^

Itigil na sana ang pagbabalatkayo

AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Tama si Senador Ping Lacson. Kung hindi komunista ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na kasapi ng Makabayan Bloc, dapat nilang tuligsain at sawayin ang mga ginagawang karahasan ng CPP-NPA.

Ngunit hindi iyan ang ginagawa nila. Sa halip na kondenahin ang mga pananambang at iba pang karahasan ng mga rebelde, binibigyan pa nila ito ng katwiran sa pagsasabing ang Pilipinas ay nasa estado ng “civil war.”

Tama na sana ang pagpapanggap na sila’y mga tagapagtanggol ng demokrasya at amining sila ay bahagi ng plano ng mga pulahan na ibagsak ang pamahalaan upang sila ang maghari.

Bilang mga halal na opisyal, sila ay bahagi ng pamahalaan na hindi dapat kumunsinti sa paninira, pana­nabotahe at pagpatay na ginagawa ng New Peoples Army lalo pa’t opisyal nang idineklara ang samahang ito bilang terrorist group.

Maling-mali ang ginawa ng pamahalaan nang si Pre­sidente Ramos ay Pangulo pa na gawing legal ang Communist Party of the Philippines at bayaang lumahok sa mga eleksyon. Inaani natin ngayon ang masamang epekto nito.

Totoong oposisyon ang mga party-list Solons, pero kahit ang oposisyon ay bahagi ng gobyerno. Tungkulin lang nito na punahin ang mga depekto ng pamahalaan pero hindi dapat kampihan ang mga sektor na gusto itong pabagsakin.

CPP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with