^

PSN Opinyon

Madam X, nagpabukas ng jueteng sa Caloocan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagsulputan ang mga pasugalan sa Metro Manila at binabalewala ang “no take” policy na iniutos ni Philip­pine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas. Ang mata­pang mangahas na magbukas ng jueteng ay itong si alyas Boyong, ang management, na naka-base sa Congres­sional­ Village Bgy. 175 sa Camarin, Caloocan City. Sa kalapit lugar na Phase 3 Bgy. 176 sa Bgy. Bagong Silang ang manage­ment naman ay si alyas Dennis. Ang taga-ayos ng linggu­hang intelihensiya ng bangka na si alyas Neth ay si Jun Cruz, anang mga kosa ko.

Ang masama lang n’yan isinasangkalan ng isang Ma­dam X ang pangalan ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao sa jueteng operation nina Boyong at Dennis. Di­pu­­gaaaaa! Nakarating na kaya ang aktibidades ni Madam X kay General Sinas?

Kung sabagay, hindi lang naman sa northern Metro Manila lumutang ang pangalan ni Madam X, ang alyas ni Tita na taga-Laguna, kundi maging sa Southern Police District (SPD). Itong tropa ni Madam X ang nasa likod ng jueteng sa Muntinlupa City at Parañaque, anang mga kosa ko. Bakit kaya hindi ginagalaw ni Danao ang jueteng sa SPD? Tanong lang po! Dipugaaaa!

Humahangos naman na nagsusumbong ang mga kosa ko sa northern Metro Manila na “no take” talaga si NPD director Brig. Gen. Ely Cruz hindi lang sa jueteng ni Neth kundi sa iba pang pasugalan sa sakop niya. Sa totoo lang, hindi lang si Cruz ang “no take” kundi maging si MPD director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco.

Para malinis ang pangalan n’ya sa illegal gambling, binuwag ni Francisco ang DSOU na ang hepe ay si Maj. Gilbert Cruz. Subalit tulad sa NPD, aba full blast din ang mga pasugalan sa Maynila at mukhang wala na silang takot na baka lumaganap ang COVID-19.

Sinabi ng mga kosa ko na nagbukasan na ang operation ng karera at lotteng nitong si Gener Fresnedi alyas Paknoy; Boy A.; Jeff Sampaloc; Jun Alvaran alyas Jun Moriones; alyas Pacia; Alvin Quiapo at alyas Zaldy at Songco. Mahigit 200 na ang butas ng karera nitong si Paknoy at nalampasan na si Boy A. ng Tondo?

Di ba, itong si Alvaran din ang management ng jueteng sa Cavite? Dipugaaaa! Paging Gen. Sinas Sir! Hambalusin mo ang mga pasugalan sa Metro Manila. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with