_ngayon
^

Extended liquor ban at curfew sa Davao City

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2021 - 12:00am

Sa mga nag-aakalang puwede na silang uminom at pu­wede na ring gumala anumang oras ng gabi dito sa Davao City, pasensiya na at hanggang Marso 31 pa ang extension ng existing 24-hour liquor ban at 9:00 p.m. - 4:00 a.m. curfew­ na pinaiiral ngayon.

Nilagdaan ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio ang Executive Order No. 5 series of 2021, na nagsasaad ng extension ng liquor ban at curfew dito sa Davao City na kung saan dapat hanggang Enero 31 lang ang implementation ng mga ito.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng COVID-19 cases dito sa Davao City nitong huling­ mga araw. Parati na nga sa “top 5” kundi No. 1 o No.2 spots ang Davao City na ibig sabihin patuloy ang spike ng COVID cases dito.

Umakyat ang bilang ng COVID cases sa Davao City lalo na pagkatapos ng Christmas holidays na ina­asa­han ngang surge ng mga kaso.

Marami na nga kaming ginawang treatment facilities dito for mild COVID cases at ang problema nga lang sa mga severe case ay nagkapunuan na ang Southern Philippine Medical Center at wala nang bakante ang kanilang ICU. Nagkaubusan na ng hospital beds nga eh.

At ang presyo naman ng private hospitals na tumatanggap ng COVID cases ay umaabot ng P60,000 up to P80,000 a day ang admission, Masaklap nga naman lalo na sa mga walang kapera-pera.

Problema nga naman.

Kaya taimtim tayong manalangin sa Diyos na sana matapos na itong problema natin sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with