^

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2021 - 12:00am

Guro sa Marketing at Management ang umakda nitong isina-Tagalog ko.

Sa isang bank robbery, sumigaw ang gang leader, “Walang kikilos! Ang pera ay sa gobyerno, ang buhay mo’y sa iyo!” Dumapa ang lahat.

Ito ang tinatawag na “Konsepto ng Pagbago ng Pananaw” ng tao.

Nang humigang nang-aakit ang isang babae sa mesa, sinita siya ng holdaper, “Paki lang, maging sibilisado ka; holdap ito, hindi gahasa.”

Ito ay “Pagiging Propesyonal”. Pagtuonan lang ang pinag­sanayan.

Pagbalik nila sa kuta, anang batang holdaper (na nag-MBA), “Boss, bilangin natin ang pera!” Sagot ng lider (na hindi nakatapos ng grade school): “Huwag na. Wala tayong­ oras. Napakaraming pera nito. Mamayang gabi sa news iuulat kung magkano ang natangay natin.”

Ito ang “Tinig ng Karanasan”, matimbang kaysa kwali­pikasyon.

Pag-alis ng mga holdaper sa banko, sinabi ng manager sa cashier, “Tumawag ka ng pulis, dali!” Sagot ng cashier, “Hintay, magsubi muna tayo ng $10 milyon para sa atin, at isama sa $70 milyong dati na nating kinurakot sa kaha de yero. Saka natin i-report ang holdap.”

Ito ang “Pagsabay sa Agos”. Samantalahin ang pagka­kataon.

Dagdag ng cashier, “Sana may holdap kada buwan.”

Ito’y “Pagbago ng Tuon”. Unahin ang ikasasaya bago ang trabaho.

Bilin ng manager sa tellers: “Bukas pasok pa rin tayo nang maaga.”

Ito ang “Dedikasyon sa Tungkulin”. Isipin parati ang customers.

Kinagabihan inulat sa news na $100 milyon ang na­­nakaw sa banko. Binilang ng mga holdaper ang pera, pero $20 milyon lang ito. Galit na galit ang lider: “Tinaya natin ang buhay para lang sa $20 milyon. Pero sa isang pitik lang, tumiba ang bank manager at cashier. Tila mas mainam maging edukado kaysa magnanakaw.»

Huling leksiyon: “Kasintimbang ng Ginto ang Kaalaman.”

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

GURO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with