^

Sindikato ng droga, nagbalikan sa kalye

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

NAGBABALIKAN na naman ang sindikato ng ilegal na droga sa kalye. Sinasamantala ang pagkaabala ng mga pulis sa pagpapatupad ng health protocol upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Subalit ang hindi alam ng mga sindikato, taumbayan na mismo ang nagngunguso sa kanilang pinaglulunggaan kaya napapadali ang pag-aresto sa kanila.

Hindi sila tatantanan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) na nasa ilalim ni Brig. Gen. Ronald Lee. Ang ope­rasyon ng PDEG ay hindi lamang sa Metro Manila nakatuon kundi sa buong bansa kaya kahit na kinakanlong pa ang sindikato ng mga tusong pulitiko, sorry na lang dahil maging sila ay sa kamatayan hahantong. Hindi sila sasantuhin ng mga tauhan ni Lee.

Samantala, naging madugo ang mga operasyon ng PNP-Anti-Kinapping Group sa ilalim ni Brig. Gen. Jonnel Estomo.

Noong Enero 21, apat na remnant ng “Waray-waray” group ang napatay sa Sta Maria St. Bgy. Holy Spirit, Quezon City nang salakayin nina Lt.Col. Morgan Aguilar at Maj. Ryan Jay Capurcos sa superbisyon ni Col. Villaflor Bannawagan at Col. Edward Cutiyog kasama ang mga tauhan ni Maj. Sandy Caparroso ng Quezon City Police District-District Special Operation Unit (QCPD-DSOU).

Bago ang engkuwentro, nagtungo sa tanggapan ni Estomo sa Camp Crame si Mr. Li kaibigan ng kinidnap na Chinese national na si Mr. Zhi Fu sa UP Town Center. Humingi ang mga kidnaper ng P20 milyon.

Walang inaksayang oras ang mga tauhan ni Estomo kaya sa pamamagitan ng WeChat, nagkasundo ang grupo ng mga kidnapper at si Li na magbibigay ng P5 milyon ransom.

Sinubaybayan ng mga pulis ang grupo hanggang humantong sa Sta Maria St. at namataan doon ang sinasakyang Toyota Vios na may plakang XCE-939. Kumilos ang mga pulis subalit nakatunog ang mga kidnaper at nagpaputok ang mga ito.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nang humupa ang labanan, tumambad ang mga duguang katawan ng apat na suspect. Patay na ang mga ito. Na-rescue ang kinidnap na Chinese.

Samantala, ang kaibigan kong si Lt. Col. Wilfredo Sy, hepe ng Special Operation Unit ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ay nalagay sa panganib ang buhay nang isilbi nila ang warrant of arrest laban sa isang wanted na pulis sa Pampanga.

Hindi basta-basta kriminal ang nadismis na pulis na si PO2 Rolando Basmayor Jr. na luminya sa gun running at gun for hire. Sa halip na sumuko si Basmayor, agad itong nagpaputok na muntik nang tamaan sina Sy. Gumanti sina Sy at napatay ang kriminal na pulis.

Kilala ko si Sy. Matagal ko siyang nakasama sa Manila Police District Headquarter’s noong hepe pa siya ng CIDG-Manila. Congratulations sa mga matitinong pulis sa bansa.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with