^

End of story, move on na!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

Marami na ang nag-aabang sa Senate hearing na magaganap ngayong araw. Dalawang kontrobersiyal na personalidad ang malalagay sa hot seat – Si DOH Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Matatandaan na may marching order na ang Presidente. Sabihin na ang totoong presyo at ang lahat ng bagay tungkol sa transaksyon ng Pilipinas sa Sinovac.

Simple lang naman, ‘yung presyo kada turok ng Sinovac ang gustong malaman ng Senado at ng taumbayan.

Kaya lang, maraming chuwariwariwap sa traditional at social media na iba ang anggulo ng balita sa isyung ito. Tila gusto laging may gulo, para may saysay ang kani­lang mga balita.

May isang anggulo rito, may mensahe si Presidente Rodrigo Duterte sa mga asal-bastos sa senado:

“Oh, Carlito, Kiko a.k.a “Duque”, kapag dinuro o ‘bi-nully ‘kayo, tahimik lang… walk-out na kayo sa senado.”

“Sakaling “ki-nontemp” kayo sa kanilang pambabastos… tawagin n’yo lang ako…. susunduin ko kayo!”

Siyempre tuwing lalakad ang Presidente, may psg ‘yan, hindi ‘yan nag-iisa. Pag nangyari ‘yan, naloko na, gulo to! Mala-sine ang eksena.

Ito ang gusto ng ilan, kaguluhan, Ehekutibo laban sa Lehislatura.

Well, based on experience, may mga asal-bastos naman talaga sa Senado.

Speaking of bastos na sa tono ng kanilang pagtatanong, ‘yung kanilang tanong, kanilang facial expression ay “war-like”.

Mangyayari kaya ito? Ewan natin. Kung sasagot din ng tama ang dalawang ito. At sana naman, matapos na ibulgar ang presyo ay end of story na, move on na!

CARLITO GALVEZ JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with