^

May 3 variants na ang COVID-19

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

ANG binabantayan daw ng mga eksperto sa medisina ngayon ay ang bagong variant ng COVID-19 na sinasabing mas mabilis makahawa. Pero tila hindi nabibigyan ng pansin sa media ang dalawa pang variants ng sakit. Kapag sinabing variant, ang kahulugan ay mas lumakas ang virus na nagdudulot ng kinatatakutang sakit.

Kinumpirma na ng Department of Health na nakapasok na sa Pilipinas ang bagong variety na nagmula sa United Kingdom sa kabila ng travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan sa mga bansang napaulat na napasok na ng bagong variant.

Ayon sa report ng South China Morning Post, ang mga variants ay kinlasipikang types A, B and C. Ang bawat isa ay nagmula sa pathogen na naunang nadiskubre sa mga paniki na kabilang sa mga exotic food na kinakain sa China at nabibili sa mga palengke sa lalawigan ng Wuhan.

Mula nang matuklasan ang COVID nung 2019, ito ay mabilis na nag-mutate o nagbabagong-anyo habang nagpapasalinsalin sa mga tao, anang mga British at German geneticists.

Pero normal daw ang mutation sa lahat ng mga virus kaya nga napakahirap ang paggawa ng bakuna dahil sa pabagubagong anyo ng mikrobyong nagdadala ng sakit. Kailangan ang patuloy na pagsasagawa ng adjustment.

Ngunit sabi naman ng ilang eksperto, hindi tayo dapat mag-panic dahil  kung nagmu-mutate ang virus, ang katawan naman ng tao ay may likas na kapasidad din upang mag-adjust ang immune system at labanan ang sakit.

Sa ibang salita, tayo ay nilikha ng Diyos na mayroong epektibong defense mechanism para labanan ang ano mang karamdamang darapo sa ating katawan.

Pero siyempre, may kasabihang “God helps those who help themselves.” Hindi nangangahulugan na porke protektado tayo ng makapangyarihang Diyos ay puwede na tayong magwalang bahala. Dapat pa rin tayong gumawa ng karampatang pagiingat sa ating mga sarili.

 

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with