^

Atong Ang, nagbabanta na!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

LUMALALA ang away ng mga operators ng online sabong na patuloy na nag-ooperate kahit wala pang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF). Nagbabanta na kasi ang negosyanteng si Atong Ang, ng Pitmaster Cup, na isiwalat n’ya ang pangalan ng babaeng opisyal ng gobyerno at ang hacker na taga-Mindanao kapag hindi sila huminto sa panggigipit ng kanyang negosyo.

“Pag hindi kayo tumigil, bibigyan ko ng pangalan ‘yan. Merong akong pinanghahawakan,” ani Atong sa kanyang mensahe sa Bayang Sabungero. “Lahat ng katarantaduhan n’yan, ilalabas ko.” Tinawag ni Atong ang hacker at opisyal ng gobyerno na “kalawang” sa indistriya ng sabong.

Idinagdag pa ni Atong na inaayos ng tropa n’ya ang gusot sa negosyo subalit “hinahaluan n’yo lahat ng kalokohan.” Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Kung bakit hindi binantaan ni Atong ang mahigpit na karibal na gambling lord ng Central Luzon ay kayo na ang makakasagot n’yan mga kosa. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa unang bahagi ng kanyang mensahe, inakusahan ni Atong itong hacker at opisyal ng gobyerno na nakipagsabwatan sa gambling lord para kopohin ang negosyong online sabong, na kanyang brainchild. Aniya, ginugulo ng hacker at opisyal ng gobyerno na ka-probinsiya ng gambling lord, ang kanilang negosyo para masolo ito lahat ng huli. “Ngayon, ‘yan lang ang masasabi ko. Paghandaan ko kayong dalawa,” ang giit ni Atong. Aniya, haharapin n’ya ang hacker at ang opisyal ng gobyerno kahit saan.

Inamin ni Atong na naging emotional s’ya sa kanyang mensahe dahil ang ipinaglalaban n’ya ay ang “taongbayan” at hindi ang hanapbuhay. “Hindi ko po kailangan ito,” ang pagtatapos n’ya. Owwwww! Dipugaaaaaa! Hak hak hak! Aayawan ni Atong ang bilyones na kita sa online sabong? Mismooooo! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung sabagay, hindi na bago kay Atong ang pakikipaglaban dahil  star witness ito sa pagpatalsik kay dating presidente Erap Estrada. Maraming beses din itong tinawag sa Senado patungkol sa hearing sa pasugalan at pumasa naman s’ya with flying colors. Nitong huli, inaway din n’ya ang isa pang kilalang breeder at sikat na sabungero na si Patrick Antonio. ‘Ika nga sanay na sa sagupaan itong si Atong, na may sangkaterbang Marines na bodyguard.

Teka nga pala! Bakit tahimik ang gambling lord ng Central Luzon sa mga bintang ni Atong? Bukas ang Dipuga sa kasagutan n’ya. Abangan!

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with