Chinese vaccine marami ang takot

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Marami ang natatakot sa Chinese anti-COVID vaccine na Sinovac o Sinopharm. Hindi natin alam kung ito ay bunga lang ng bad publicity tungkol sa naturang bakuna. Pero may batayan man ang pangamba o wala, the fact is, nata­takot ang madla.

At kung may pangamba ang tao sa bakuna, malamang may reversed placebo effect ito. Tama man o mali, baka nga magkaroon ng masamang epekto ang bakuna. Mag­basa ka ng mga komento sa social media at malalaman mo na marami ang nagsasabing hindi sila magpapabakuna kung ang  naturang vaccine ang gagamitin sa opisyal na immunization program ng pamahalaan.

Pero tila walang choice ang mga tao dahil sinabi ng Malacañang na ang naturang Chinese vaccine ang mau­unang darating sa papasok na buwan. Talagang determinado ang administrasyon na itulak ang paggamit ng naturang bakuna.

Ang Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, huwag maging “choosy” o mapili sa gagamiting bakuna at kung ano ang readily available ay siyang tanggapin. Nauna rito, Napabalita na ang naturang bakuna mula Tsina ay singkuwenta porsyento lang ang bisa. Ngayon, iginigiit ng Palasyo, sa pamamagitan ni Roque na ito ay 91 percent na epektibo.

Dagdag ni Roque, ang mga vaccine na gawa sa Ame­rika at Europa ay sa Hulyo pa darating at kailangan nang isagawa ang mass vaccination. Ngunit papaano kung may agam-agam at takot ang marami sa Sinovac? Buhay at kalusugan ang nakataya riyan at kahit sino ay hindi ipagbabakasakali ang buhay.

May warning pa si Roque. Hindi raw pipilitin ang mga ayaw magpabakuna ng Sinovac. Pero binigyan diin niya na yung mga ayaw ay mahuhuli sa pila at mananatiling nasa panganib habang umiiral ang COVID-19 pandemic. Naku naman!

CHINA COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with