^

Away ng online sabong operators, umiinit!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2021 - 12:00am

MUKHANG malaking parte ng kubransa ng Pitmaster Cup ng negosyanteng si Atong Ang ang naagaw ng online sabong ng gambling lord sa Central Luzon kaya abot-langit ang ngitngit ng una. Kung sabagay, matagal nang panahon na magkaribal sa negosyo itong sina Atong at gambling lord at kahit anong palaro ang bubuksan ng gobyerno ay palaging nandun sila. Sa totoo lang, mara­ming­ breeders at pulitiko ang nagbukas ng online sabong subalit angat sa kanila itong Pitmaster Cup ni Atong. At ang buong akala ni Atong ay tuluy-tuloy na ang akyat ng bil­yones sa bulsa niya hanggang magtayo na din si gambling lord ng online sabong n’ya.

Ang balita ng mga kosa ko, halos 45 porsiyento ng kubransa ng Pitmaster Cup ay naagaw o lumipat na sa ku­wadra ng gambling lord. Kung tutuusin parehas lang na maimpluwensiya at bagyo itong sina Atong at kalaban n’ya dahil hanggang sa ngayon hindi ginagalaw ng gobyerno ni President Digong ang online sabong nila kahit maraming paglabag ang mga ito sa health protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF). Dipugaaaaa!

Sa kanyang mensahe sa “Bayang Sabungero”, inaku­sahan ni Atong ang “pinakamalaki at most powerful gam­bling lord” na nasa likod ng panggigipit ng online sabong n’ya na Pitmaster Cup. Aniya, napakatagal na sa “power” itong gambling lord at “busog na busog na subalit ayaw pa tumigil.” “Lahat ng power gusto n’ya kanya. Lahat ng sugal gusto n’ya kanya. Pati nga COVID akala yata n’ya maganda ‘yon nagkaroon din po s’ya,” ani Atong, at idinag­dag pa n’ya na kamuntik na itong “ma-excuse me”. Aray­kupoooo.

Mukhang nagkapersonalan na itong away nina Atong at karibal bunga ng bilyones sa online sabong, di ba mga kosa? Kaya habang umiikot ang mensahe ni Atong sa social media, hindi kumukurap ang “Bayang Sabungero” at minomonitor ang away na ito. Maraming online sabong subalit itong kina Atong at gambling lord ang masabi nating “pinakasikat at nirerespeto” sa larangan ng negosyo kaya interesado ang mga sabungero sa kahinanatnan ng sigalot na ito. Dipugaaaa!

Nag-ingay si Atong matapos makatanggap ng report na hinihikayat ng kampo ng gambling lord ang mga LGUs, kung saan may “butas” sila na ikansela ang kanilang permit. Hehehe! Ang negosyo ay para-paraan lang talaga, di ba mga kosa? Dipugaaaa! Abangan!

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with