^

Pre-K Education Program and Learner’s Kit para sa mga Batang Makatizen

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2020 - 12:00am

Layunin ng lungsod ng Makati na walang batang maiiwan sa pagharap sa hamon ng “new normal” sa sektor ng edukasyon. Isa sa mga prayoridad natin ang masiguradong ligtas, may kalidad at progresibo ang mga programang ipinatutupad natin para sa mga estudyanteng Makatizen.

Sa pagtutulungan ng lungsod ng Makati at ng DepEd Makati, itinaguyod namin ang Pre-Kindergarten (Pre-K) Education Program upang tuluy-tuloy ang paghahanda ng mga batang nasa edad apat na taong gulang para sa kanilang nakatakdang pagpasok sa Kindergarten program sa susunod na taon. Layon din naming maagap na matukoy ang mga batang may espesyal na pangangailangan upang mabigyan ng kaukulang interventions tungo sa maayos na paglaki.

Nitong nakaraang linggo, naipamahagi na ang mahigit isang libong Pre-K learner’s kits sa mga batang Makatizen na naka-enrol sa Pre-K education program ng lungsod.

Ang bawat learner’s kit ay naglalaman ng sari-saring learning materials katulad ng alphabet puzzle set, alphabet flash cards, Math/Numbers flash cards, wooden magnetic drawing board, abacus, plastic building blocks toys, big crayons, clay, glue, popsicle sticks, scissors, construction papers, plastic balls, jumping rope na pambata at hygiene kit na may sabon, toothbrush, at face towel.

Naniniwala akong ang programang ito ay mahalaga para sa mga Pre-K Makatizen lalo pa’t nasa kritikal na yugto sila ng kanilang pagkatuto at pagsasanay ng kanilang kamalayan. Upang mas maging kapaki-pakinabang ang programang ito, hinihimok ko ang mga magulang ng mga Pre-K Makatizen na aktibong makibahagi sa programa at maglaan ng panahon para gabayan ang kanilang mga anak sa bawat aktibidad.

Isasagawa ang programa sa loob ng limang buwan, gamit ang Localized Enhanced Pre-K Curriculum na nakabatay sa pamantayan ng Early Childhood and Development. Nagtalaga ang lungsod ng sampung guro para sa pagpapatupad ng programang ito. Tiwala akong sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at sektor ng edukasyon, at kooperasyon ng mga magulang, maitataguyod natin ang mahusay na edukasyon at magandang kinabukasan ng mga Batang Makatizen

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with