^

Pambabastos ng mga kolektor ng online lending

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Sa BITAG unang napanood ang pambabastos, pam­ba­baboy, pambabalahura at pagbabanta ng mga kolektor ng iba’t ibang online lending sa kanilang mga sinisingil.

Dahil dito, lalo silang nahirapang makakolekta ng bayad sa mga nangutang sa kanila. Ang siste, unti-unti silang nag­bago ng estilo ng paniningil.

Kung dati ay tumatawag, ngayon ay panay text message na lamang. Panay ang gamit ng kung anu-anong law office o korte kuno para lang ma-pressure at matakot ang kostumer na magbayad.

Iba-ibang numero ang ginagamit at walang sumasagot kapag tinawagan ang mga ito. Sabi nga, mala-guerilla style. Bakit? Sa takot na baka BITAG na ang nasa kabilang linya.

O eto ang pinakabago, BITAG na mismo ang ginagamit ng mga putok sa buhong online lending. Kailan pa naging kasapakat ang BITAG sa mga kalokohan n’yo ha Pondo Loan?

May mga lumapit na sa aming tanggapan na umano’y Bitag Legal Department na ang naniningil sa inyong delinquent accounts.

Babala, hindi collection agency ang BITAG para kami maningil at wala kaming kaugnayan sa inyo Pondo Loan!

Last month, nanawagan ako sa mga empleyado ng mga online lending app na kung sila ay pinupuwersa ng kompanya na manakot at magbanta sa paniningil, tigilan na ang kalokohang ito.

Pagkaraan ng panawagan, maraming tele-collector ng Cashmore ang nagreklamo sa amin. Maski sila’y hindi na masikmura ang estilong ginagawa sa pangongolekta.

Mahigpit daw na utos ng kanilang manager na Chinese na i-pressure at takutin ang mga nangutang para magbayad ng tama sa oras.

Hindi na ako nagulat nang isa sa mga agent ang notoryus na si alyas Jun Perez na nagsabi “Tulfo mo mukha mo” sa kanyang kliyente, mismong nagsumbong, umiyak laban sa Cashmore.

Buong detalye, nasa BITAG Official YouTube Channel. Nagsisimula pa lang ang BITAG sa krusadang ito. Marami pang susunod!

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with