Bakit walang tigil ang supply ng shabu sa bansa?

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Inaalam ng tropa ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas kung saan nanggaling ang bulto-bultong shabu na nakumpiska sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong nakaraang linggo. Sunud-sunod kasi ang accomplishments ng PNP laban sa droga alinsunod sa kautusan ni President Digong at nakasentro ang kanilang operation sa ngayon ang tuntunin kung saan pinalulusot ang shipment ng shabu.

Kahit maraming nakumpiskang shabu ang PNP, aba walang humpay pa rin ang kumakalat na droga sa kalye na ikinagulat ni Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Kung sabagay, masyadong busy ang mga tauhan ni Lee sa ngayon, hindi lang para manghuli ng miyembro ng drug syndicates, kundi maging sa pagserbisyo ng arrest warrants laban sa convicted drug pushers para matigil na ang pagbebenta nila ng droga. Dipugaaaa! Hindi nagkamali si Sinas sa pagtalaga kay Lee sa PDEG. Tumpak!

Hindi lang naman si Lee ang kumikilos laban sa droga kundi maging ang buong PNP dahil isa ito sa mga bilin ni President Digong. Kaya ang mga tauhan naman ni NPD director Brig. Gen. Ronnie Ylagan ay nakaaresto ng tatlong magkapatid sa Caloocan City at nakumpiska ang 25 kilos ng shabu. Ito na siguro ang pinakamalaking shipment ng shabu na narekober sa kalye sa unang dalawang linggo ni Sinas sa trono ng PNP, di ba mga kosa?

Ayon kay Ylagan, may nagdeliber sa mga suspects ng droga at pinabenta sa kanila sa halagang mula P1.2 milyon hanggang P1.5 milyon kada kilo. Ang tropa naman ni Lee ay nakakumpiska rin ng kilo-kilong shabu sa operation sa Bacolod City at sa Lanao del Sur. Malaman kaya nina Ylagan at Lee kung saan nanggaling ang mga nakumpiskang shabu, e maliwanag naman sa tinuran ni PDEA director Wilkins Villanueva na wala nang shabu laboratory sa bansa? Dipugaaaa!

Noong bago mag-lockdown sa bansa dahil sa COVID-19, ang palaging itinuturo na source ng shabu sa kalye ay ang mga bigtime drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. Subalit sa kasamaang palad, siyam sa kanila ang nadale ng virus. Sobrang higpit din ni NBP warden Gen. Gerald Bantag sa ngayon kaya next to impossible na sa «loob» pa rin ang source ng shabu, di ba mga kosa? Bakit maraming shabu pa sa kalye? Abangan!

PNP SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with