^

PSN Opinyon

Palusot sa NAIA Customs, sabit!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

AKALA ng mga nagpapadala ng salapi galing abroad ay lulusot ang istilo nila sa mga tauhan ni Port of NAIA Customs District Collector Mimel Talusan.

Sa awa ng Diyos, ang mga foreign currencies na nakapaloob sa mga packages na may US$38,700 o P2 mil­lion na isiniksik sa loob ng mga reading magazines sa ware­house ng Federal Express, ay huli!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ikinuwento ni Talusan, ang mga parcels ay minaling de­k­la­­rasyon bilang “mga dokumento”, na dumating noong Nob­­yembre 2, 2020. Ang lahat ay ipinadala sa tatlong magkakaibang mga pakete ng parehong kamoteng nagpadala.

Sabi nga, isang alyas “Jacqualine Paas” mula sa US of A, ang nagpadala para sa iba’t ibang mga consignee riyan sa Poblacion, Muntinlupa City.

Sabi ni Talusan, inatasan niya ang kanyang customs examiner na magsagawa ng 100% pisikal na pagsusuri kaya nabuko ang mga pakete na naglalaman ng mga US dollar bill na itinago sa mga magazine.

Nitong nakaraang linggo lamang, ang BOC NAIA ay may naharang ding USD13,500.00 na hindi deklaradong foreign currencies.

Ayon kay Talusan, may kabuuang P29,875,000 ang nakumpiska nila ngayong 2020, naglabas ng mga “warrant of seizure and detention” para sa nahuling salapi.

Matatandaang sa isang ulat ng Financial Action Task Force (FAFT) tungkol sa Money Laundering Through the Physical Transportation of Cash ang pagtatago ng cash in cargo at sa mga sulat ay isa sa mga diskarte sa money laundering.

Muling nagpapaalala sa publiko si Talusan na sa ilalim ng Manual of Foreign Exchange Transaction sa pag-import ng mga foreign currencies kailangan lamang ideklara ng nagpadala ang halagang inilaan na mai-import gamit ang prescribed Currency Declaration Form. 

Ang mga nasamsam na foreign currencies ay isasa­ilalim sa seizure ang forfeiture proceedings dahil sa Sek­syon 1400 (Misdeclaration) at 1113 ng RA No. 10863 (CMTA) na may kaugnayan sa RA 7653 (New Central Bank Act) at BSP Foreign Exchange Transaction Manual.

Ang Bureau of Customs sa ilalim ng Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay magpapatuloy na maging­ masigasig sa pagtupad ng mandato ng bureau ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at patakaran sa regulasyon sa hangganan ng Philippines my Philippines.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with