^
EDITORYAL - Nasanay sa sarap ng âpastillasâ

EDITORYAL - Nasanay sa sarap ng ‘pastillas’

(Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2020 - 12:00am

Noong Martes, ipinatawag ni President Duterte sa Malacañang ang 40 Immigration officials. Bago iyon, nagpahanda muna ang Presidente nang maraming “pastillas” na may pera sa loob. Nang makaharap niya ang mga opisyal, pinagbibigyan niya ng “pastillas” ang mga ito. “Kainin n’yo ‘yan dahil ‘yan ay may pera!’’ Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque hindi naman daw pinilit ng Presidente na kainin ang pastillas na may pera. Walang kumain ng pastillas na may pera.

Grabe na ang katiwalian sa Immigration. Limpak na pera ang naibubulsa ng mga corrupt dahil sa pastillas scheme. Namera nang husto mula nang dumagsa sa bansa ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Bawat Chinese ay naglalagay ng P10,000 para walang aberya ang kanilang pagpasok sa bansa.

Sa rami ng mga Chinese na pumasok sa bansa mula pa noong 2017, nakapagbulsa na umano ang mga korap sa Immigration ng P40 bilyon. Ito ang nahalungkat ng Senado sa ginawang pagdinig kamakailan. Sabi ni Sen. Risa Hontiveros, chairman ng senate committee on women tungkol sa modus sa Immigration, bukod sa pastillas scheme, may­roon pang Visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa na kumikita rin ang mga taga-BI.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na sa ilalim ng pastillas, ang pera ay pumapasok sa airport saka ibini­bigay sa immigration officers habang sa VUA transactions naman ay diretsong napupunta ang suhol sa main office kung saan inaaprubahan ang mga visa. Tinaguriang ‘‘pastillas scheme’’ dahil ang perang ipinanglalagay sa mga corrupt Immigration officials ay nakabilot na parang ‘‘pastillas’’.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), base sa lifestyle check na isinagawa nila sa mga opisyal at empleyado. hindi nagtutugma ang kanilang sahod sa kanilang yaman. May isang opisyal sa Immigration na may sahod lamang na P32,000 kada buwan ay may net worth ito na P27.9 milyon. At ang nakapagtataka, may isang security guard sa BI na ang sahod ay P14,000 pero ang kanyang net worth ay mahigit na P10 milyon.

Namera nang husto ang mga corrupt sa Immigration dahil sa “pastillas’’. Dapat lang silang paka­inin ng “pastillas’’ na may pera. Mas maganda kung sibakin sila sa puwesto at saka kasuhan para ma­bulok sa piitan. Hindi dapat patawarin ang mga nahirati sa sarap ng pastillas.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with