^

PSN Opinyon

China umaatras pala kapag nilalabanan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUNG lumalaban ang bansang ninanakawan ng isda, umaatras ang China. Nitong dekada ilang karagatan ang pinasok ng Chinese poachers. Nirapido sila ng Russia; kinumpiska at sinunog ng Indonesia ang mga lantsa; pinatay ng munting Palau ang nanlaban na kapitan. Kung hindi binangga ng mga bangka ng Vietnam ang barkong pandigma ng China, naipuwesto sana ng Beijing ang higanteng oil rig sa Paracel Islands.

Mayo 2016 nang huling nang-aresto ang Pilipinas ng Chinese poachers. Dalawampu’t lima sila sa dalawang lantsa. Namasok sila sa teritoryong dagat sa pagitan ng Batanes at Babuyan islands. Nagpanggap na mga Pilipino at may bandila pa ng Pilipinas ang mga sasak­yan. Pero nakabaliktad ang kulay; pula ang nasa itaas, animo’y giyera. Dinumog sila ng coastguards at fisheries bureau. Huli, sakdal, kulong!

Mula nu’n malambot na ang Pilipinas sa China. Sinabi ni President Duterte na pagbigyan silang dumayo sa West Philippine Sea. Pinaatras ang Navy mula sa joint exercises ng mga kaalyadong US, Japan, at Australia.

Epekto: Hunyo 2019 sadyang binangga ng bakal na trawler ng Chinese maritime militia ang kahoy na bangkang Pilipino na naka-angkla sa Recto Bank, Palawan. Inabandona ang 22 mangingisdang tumilapon sa madilim at ma­lamig na dagat. Walang sinakdal. Hindi pinagbayad ang mga salarin. Takot ang mga Pilipinong lumayag sa WPS.

Pebrero 2020 tinutukan ng mga armas pandigma ng Chinese navy ang patrol ng Pilipinas sa Malampaya, Palawan. Prinotesta ng Pilipinas ang pambubusabos. China pa ang nagalit. Kesyo raw naghahamon ng gulo ang Pilipinas sa tahimik na karagatan. Tayo pa ang kontrabida.

Kapag hindi igiit ng Pilipinas ang karapatan sa sariling dagat, lalo lang aabuso ang China. Nirerespeto ng China ang lakas, at tinutuya ang kahinaan, ani sinologist at dating Australian prime minister Kevin Rudd.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with