^

PSN Opinyon

Vaccine, huwag sanang pagkakuwartahan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

May pondo nang inilaan bilang pambili ng bakuna laban sa COVID-19. Nagtalaga na rin ng isang tagapamahala sa pagbili at tamang distribusyon ng bakuna sa ating mga kababayang kailangang mabakunahan.

Sana, sana lang huwag na itong pagmulan muli ng katiwalian ng maraming mapagsamantala sa loob man at labas ng pamahalaan. Ang problema kasi, kahit isang seryosong problema ang pandemya, marami pa rin ang inuuna ang pagpapataba ng bulsa sa halip na tulungan ang sambayanang malampasan ang krisis.

Nung unang sinalakay tayo ng pandemya, nagkaroon ng hoarding ng face masks at alkohol at makabili man ng mga ito, napakataas ng presyo.  Pati mga COVID test kits ay ibinebenta nang napakamahal na kung minsan ay umaabot pa ng higit sa sampung libong piso sa mga pribadong pagamutan.

Pati nga ang PhilHealth at Philippine Red Cross ay nagkaroon ng sigalot dahil hindi agad binayaran ng una ang mahigit sa isang bilyong pisong inabono ng Red Cross sa pagbili ng mga test kits.

Wala pang bakuna at ito’y inaasahang darating na bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2021. Para ko nang nakikinita na ito ay magiging napakamahal at puwedeng lalo pang tumaas ang halaga kapag hinaluan ng anomalya ng mga ganid at mapagsamantala.

Umaasa lang tayo sa itinalagang vaccine czar ni Presidente Duterte na si Carlito Galvez na hindi magpapabaya sa tungkulin upang tanuran ang bakuna laban sa mga tiwali at mapagsamantala, sa loob man at labas ng pamahalaan.

At sa mga may maitim  na balak, ang masasabi natin ay magkaroon naman kayo ng budhi at unahing isipin ang kapakanan ng mga taumbayan na kapakanan din ng mga taong malalapit sa inyo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with