^

PSN Opinyon

Pekeng operasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PRESUMPTION of regularity. Iyan ang laging mantra ng mga tagapagpatupad ng batas natin, maging PNP, PDEA, NBI o kung sinu-sino pa. Ang iginigiit ay lahat ng kanilang ginagawa ay lehitimo at legal. Pero alam natin na hindi ganito ang palaging kalakaran. Kailan lang ay pina­bulaanan ng CCTV ang umanong buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA sa Dumaguete.

Hindi nagtugma ang istorya ng limang ahente ng PDEA sa nakunan ng CCTV. Lumabas na isa-isang dinampot ang mga “suspek” sa dalawang magkaibang lugar bago dinala sa bahay ng isa sa mga suspek at doon na “inaresto”.   

Ano pala ang laban ng mga inaresto kung walang CCTV? Sigurado presumption of regularity na naman ang idadahilan ng mga mga ahente. Hindi maiiwasang itanong na sa lahat ng operasyon kontra ilegal na droga mula 2016, ilan ang mga tunay at ilan ang hindi kung wala namang CCTV?

Binawi ngayon ang limang ahente ng PDEA habang iniimbestigahan. Dapat diyan kasuhang kriminal na dahil may ebidensiyang CCTV naman. Isipin na lang ang buhay ng mga dinampot nila kung hindi pala pinatunayan na peke ang kanilang operasyon.

Pinaliwanag kaagad ng PDEA na hindi ganyan ang kara­­niwang kalakaran sa ahensiya. Pero paano nga natin mala­laman? Hindi nga lahat nakukunan ng CCTV. At ano naman ang motibo ng limang ahente para i-peke ang operasyon? May promosyon ba sila kung nakahuli ng mga suspek sa ilegal na droga? May dagdag na bayad ba sa mga sahod nila kung makahuli?

Umikot noon ang hinala na may bayad sa bawat suspek na mahuli o mapatay, kaya naging laganap ang mga nahuli. Tila may basbas din mula kay President Duterte. Alam natin ang salitang “patay” at “patayin” ay madaling masabi ni Duterte, tapos babawiin o sasabihin ng tagapagsalita na biro lang.  

Matagal nang krimen ang pagtulak at paggamit ng iligal na droga. Baka dekada sitenta pa. Kaya ko laging tinatanong kung bakit ngayon lang seryoso ang PNP, PDEA at iba pa na manghuli. Kung ano ba ang nais ng kasalukuyang pangulo na sugpuin, iyan ang susundin ng PNP? Kung ang susunod na Presidente ay galit sa jaywalkers, diyan ba magiging seryoso naman ang PNP? Nagtatanong lang.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with