New quarantine status ihahayag ng Pangulo
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Habang papalapit ang Pasko, tiyak ko na lahat tayo ay umaasa na lalo pang luluwagan ang mga ipinatutupad na protocol ng pamahalaan sa galaw ng taumbayan upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Inaabangan natin sa araw na ito ang gagawing anunsyo ni Presidente Duterte hinggil sa bagong quarantine status sa iba’t ibang bahagi ng bansa depende sa kalagayan ng pandemya para sa papasok na buwan ng Nobyembre.

Makikipagpulong ang mga kasapi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Pangulo upang tayahin ang pangkalahatang sit­wasyon sa bansa at sa resulta ng assessment ibabatay kung dapat bang luwagan na ang mga quarantine restrictions.

At mukhang maganda naman ang overall situation dahil kumukonti na ang kaso ng mga dinarapuan ng sakit sa ma­raming bahagi ng bansa bagama’t mayroon pa ring ilang lugar na mataas pa rin ang bilang ng nga nagkakasakit. Binubuksan na ang mga tourist destination para sumigla ang ating tourism industry bagama’t magpapatupad pa rin ng mga alituntunin tulad ng social distancing at paggamit ng face masks at shields.

Nadarama na natin ang unti-unting pagluluwag sa mga dating mahigpit na alituntunin. Pero sa ganang akin, dapat pa ring gawin ito na ikinukonsidera ang pag-iingat. Maraming ma­­uunlad na bansa ang nagluwag ngunit sa bandang huli ay naghigpit na naman dahil sumirit muli ang kaso ng karamdaman.

Dapat tayong matuto sa aral na ibinigay ng Spanish flu pandemic na inabot ng tatlong taong bago tuluyang mawala dahil sa kakulangan ng pag-iingat ng mga tao sa mga panahon yaon mula 1918 hanggang 1920.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with