PCSO: Namahagi ng 40 PTVs
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

SA panahon ngayon ng pandemya, mas mahalaga ang mga ambulansya sa bawat mga lalawigan o maging sa Metro Manila upang magamit sa pag-transport ng mga pasyente at maging sa mga local stranded individuals sa mga ospital at sa mga quarantine facilities. Kaya ang prob­lemang ito ay tinugunan agad ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Marzan Garma.

Nitong mga nakalipas na araw, namahagi ang PCSO ng may 40 bagong patient transport vehicles (PTVs) sa ilang munisipalidad at mga pagamutan sa bansa para gamitin sa oras ng emergency.

Ayon kay Garma, ang turnover ng PTVs ay isinagawa ganap na 11:00 ng umaga sa Nissan North EDSA, Quezon City, kahapon, sa ilalim ng kanilang Charity Program. Kabi­lang sa mga nakatanggap ng PTVs ay ang Pio Duran Me­morial District Hospital sa Albay; Rapu-Rapu District Hospital, Albay; Iloilo Provincial Hospital; Ignacio Lacson Arroyo Sr. Memorial District Hospital; Mandaue City Hospital;  Medina Hospital, Misamis Oriental;  Nabilog Community Primary Hospital, Negros Oriental; Camp Teodulfo Bautista Station Hospital at Ospital ng Palawan.

Gayundin, nabiyayaan ng PCSO ng PTVs ang mga muni­sipalidad ng Makato, Aklan; Valderrana, Antique; Bi­nalbagan, Negros Occidental; Maslog, Eastern Samar; Albuera at San Isidro, Leyte; Impasugong, Libona, San Fernando at Lantapan, Bukidnon; Tulunan, North Cota­bato; Arakan at Magpet, Cotabato; Loreto, Dinagat Island; Pilar, Surigao del Norte; Madrid at Tandag City, Surigao del Sur; Giporlos, Eastern Samar; Esperanza, Agusan del Sur; Esperanza, Sultan Kudarat; San Ildefonso, Ilocos Sur; Corella, Bohol; Manjuyod at Basay, Negros Oriental; at Baungon, Bukidnon.

Siyempre kabilang sa nabigyan ay ang Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office 5, Albay Provincial Office; Philippine Red Cross, Oroquieta City Chapter Misamis Occidental; Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Davao Occidental; DOH Treatment and Rehabilitation Center (Dulag, Leyte); at Davao Oriental Provincial Health Office.

Sinabi ni Garma na ang mga naturang PTVs ay 100% libreng ipinagkaloob ng PCSO sa lahat ng recipients. Matatandaang nakapag-donate na ang PCSO ng may 252 unit ng PTVs nitong unang bahagi ng 2020 at maging sa panahon ng kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19.

“PCSO continuously lives up to its mandate of raising funds to support the medical related needs of our country and the Filipino people.  Through these PTVs, we want to help other LGUs, government hospitals, and institution in its provision of medical service particularly to transporting patients to hospitals thereby giving our fellow Filipinos immediate access to medical service that they bees. By doing this, we were able to enhance and make more effective and efficient the delivery of health services of our local governments to its constituents, The PCSO’s charity programs are dependent on the revenues earned by the agency’s gaming products such as STL, Lotto, Keno, and Sweepstakes.  In short, PCSO can give more if our products earn more.  Thus we need the support of our countrymen to patronize all our gaming products.  Your P20 can go a long way.  You get the chance of becoming a millionaire and you are definitely sure of the opportunity to help your fellow individuals across the country through PCSOs charity progeans like Patient Transport Vehicles,” pahayag ni Garma.

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with