^

PSN Opinyon

Nasa tao na ang pag-iingat sa ilalim ng new normal

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kung papalarin, mapapailalim na sa tinatawag na “new normal” ang ilang bahagi ng bansa na humupa na ang kaso ng COVID pandemic. Ibig sabihin, aalisin na ang mga mahihigpit na rekisitos  sa Modified General Community  Quarantine na naglilimita sa galaw ng taumbayan at ng mga aktibidad sa negosyo. Hindi nangangahulugan na nawala na ang salot na virus, pero dapat gawin ito dahil kung hindi‘y tuluyang sasadsad ang ekonomiya.

Ipauubaya na sa mga tao ang karampatang pagiingat na ngayo’y alam na alam na natin at naging “second nature” na sa mahigit na kalahating taong pagsasailalim sa atin sa lockdown at kuwarentenas. Ayon sa Department of Interior and Local Government, dapat pa ring sundin ng mga mamamayan ang minimum health standards tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks at shields.

Huwag ding kalimutan ang madalas na hand-sanitizing o paghuhugas ng kamay sa tubig, sabon at alkohol. Wala nang pagbabawalang lumabas. At iyan ang landas na tinatahak ngayon dahil pinapayagan nang lumabas ang mga taong nasa edad na 15 hanggang 65.

Aalisin na rin ang requirement sa travel authority sa ilang piling lugar na mababa na ang kaso ng COVID-19.  Anang DILG, abangan na lang ang opisyal na anunsyo ng Joint Task Force COVID shield. Sana, bago magpasko ay mangyari na ito.

Ang mga lugar na ilalagay sa “new normal status” ay ‘yung mga wala nang ipinatutupad na community qua-rantine. Masaya ito kapag nagkataon. Puwede na ang mga leisure activities sa lahat, pati na sa mga senior citizens kahit hindi kasama sa tinatawag na Authorized Persons Outside of Residence. Iyan ay para sumigla na ang na-comatose na industriya ng tourism na isa sa mga nagpapasok ng malaking kita sa kaban ng bayan.

Huwag sana tayong maging kampante kapag nangyari ito. Ang pagbaka sa pandemya ay responsibilidad nating lahat: Taumbayan at gobyerno. Kahit ipatupad ng gobyerno ang lahat ng batas para pangalagaan ang mamamayan laban sa salot, walang epekto ito kung wala tayong pakikiisa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with