_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kastiguhin ang mga maiingay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Kastiguhin ang mga maiingay

Tama lang na hindi maistorbo ang mga emple­ya­dong nagwo-work from home. Idagdag pa ngayon ang mga estudyanteng sa bahay din nag-aaral sa ilalim ng distance learning. Dapat igalang at panatilihin ang katahimikan. Mula pa noong Marso na isinailalim sa lock­down ang Metro Manila, naging kalakaran na ng mga tang­gapan at establisimiento na sa bahay na lamang gawin ng mga empleyado ang kanilang mga trabaho gamit ang internet para maiwasang mahawahan ng virus.

Pawang online ang naging kalakaran sa loob ng pitong buwan. At naging maayos naman ang mga tang­gapan at establisimiento sa bagong pamamaraan. Napatunayan na kaya dumami ang kaso ng COVID sa bansa ay dahil sa paghahawahan ng mga empleyado at mga trabahador. Kaya ang suhestiyon ng Department of Labor and Employment (DoLE), mag-work from home ang mga kompanya para makaiwas sa virus ang mga empleyado.

Ang naging isang problema lamang ngayon ng mga nagwo-work from home ay ang ingay ng kapitbahay dahil mayroong maghapon o magdamagan sa pagka-karaoke. Ganito ang karaniwang reklamo nga­yon ng mga nagtatrabaho sa bahay – ingay mula sa ka­raoke at iba pang sound system.

May pagkakataon pa na may nag-away na magkapitbahay dahil sa maghapon na pag-karaoke. Pinagsabihan ang nagka-karaoke pero ito pa ang matapang. Wala naman daw batas na nagbabawal magkaraoke at isa pa, nasa loob naman sila ng kanilang bahay.

Ngayong nag-umpisa na rin ang distance learning ng mga estudyante sa public schools, dapat walang makakaistorbo sa kanila habang nakatutok sa kanilang gadgets. Dapat walang maiingay sa paligid para hindi masira ang konsentrasyon.

Ang problemang ito ang nais na masolusyunan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan. Sinabi ng PNP chief na makikipag-ugnayan sila sa barangay officials at hihilingin sa mga ito na mag-isyu ng ordinansa laban sa mga maiingay na aktibidad gaya nang pagkanta sa karaoke.

Ayon kay Cascolan, kung may ordinansa ang ba­rangay, tutulong ang kapulisan para ito maipatupad. Da­lawang pulis ang handa niyang ipasama sa mga mag­rorondang barangay tanod para mapanatili ang kata­himikan sa barangay. Hindi dapat magambala ang mga taong nagtatrabaho at mga estudyanteng nag-aaral.

Maganda ang planong ito ng PNP chief. Sana, ma­isakatuparan ito. Malaki ang maitutulong kung may ordinansa na bawal ang mag-ingay lalo pa’t maraming nagtatrabaho at nag-aaral sa bahay. Nararapat mapanatili ang katahimikan sa kapaligiran lalo pa sa panahong ito na may pandemya.

HOME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with