Cayetano at Velasco: Ayusin na ang gusot n’yo!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2020 - 12:00am

Ang P4.5 trillion kaya ang dahilan kung bakit nasira ang ‘‘palabra de honor’’ sa term sharing agreement ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Mariduque Rep. Lord Allan Velasco? Nitong mga nakaraaang araw inilabas  ni Velasco sa social media at maging sa mga reporters ang kanyang sama ng loob sa nauuntol nilang pagpapalitan ni Cayetano sa pagka-Speaker of the House.

Tinawag pa nga ni Velasco na pinagkaisahan siya ng mga barkada ni Cayetano sa Kongreso kung kaya ang sama ng loob niya ay inilabas na lamang sa social media upang ang mga ito na humusga. Sa halip kasi na itakda­ ni Cayetano ang turn over sa pagka-Speaker of the House bumanat ito na magre-resign siya sa puwesto.

Mukhang taliwas ito sa usapan dahil kung kailan patapos na ang kanyang 15 months na gampanan ang pagka-Speaker ay nagbanta ito na magre-resign. Kaya tuloy masasabi ni Velasco kay Cayetano na wala itong palabra de honor. Noon pa man ay may agawan na sila sa puwesto kung kaya namagitan dito si President Rod­rigo­ Duterte at sa pamamagitan ng 15/17 term sharing agreement ay naging­ matiwasay ang Kongreso.

Subalit ngayon na papalapit na ang pagtatapos ng kan­yang termino aba, mukhang umiba ang ihip ng hangin­ at nagbanta ito na magre-resign. Nagpatutsada pa umano si Cayetano na maku-kodeta lamang oras na ipilit nitong pamunuan ang Kongreso. Ang masaklap pa nito mukhang pati ang Senado ay naapektuhan sa hidwaan ng dalawang magkaagaw sa speakership.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, maaring hindi ma­ipapasa sa Senado ang budget para sa 2021 dahil oras na abutin ito ng Senate break tiyak na hindi na kakayanin pang maipasa. Hindi naman kasi basta-basta maipapasa ang budget para sa 2021 dahil kailangan pang rebisahin ito ng mga senador.

Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic mas kailangan na pondohan ang maayos ang mga proyektong para sa mga tinamaan ng virus. Katulad na lamang sa sector ng agrikultura na mas kailangan ngayon na dagdagan ang pondo upang ang pagkukunan ng pagkain ang sambayanan ay malunasan.

Ayon sa mga kausap ko, sa panahon ngayon, mahalagang dagdagan ang pondo ng Bureau of  Fisheries and Aquatic Resources upang makabili ng mga sasakyang magagamit sa pagpapatrulya sa mga karagatan. Hindi naman kaila na halos sakupin na ng mga Tsino ang karagatan sa West Phillippine Sea kaya ang mga mangingisda ay nahihintakutan tuwing papalaot sa pangingisda.

Ang mga karagatan ngayon ay halos lusawin na ng mga demonyong mangingisda na gumagamit ng dinamita. Katulad na lamang sa baybayin ng Pilar, Capiz. Laging nagpapasabog ng dinamita ang mga illegal fishermen kung kaya halos kakarampot na lamang ang nahuhuling isda sa naturang karagatan.

Ito kasing karagatan ng Pilar, Capiz ay dating pinagkukunan ng similya ng bangus, sugpo at alimango subalit nang pagharian ng mga illegal fishermen na gumagamit ng dinamita, nawala ang mga isdang nangingitlog.

Kaya may panawagan ang aking mga kausap na dapat na kumilos na si Usec. Eduardo Gongona upang masawata ang illegal fishing na nagaganap sa baybayin ng Pilar, Capiz. May panawagan din ang mga magdaragat kina Cayetano at Velasco na ayusin na ang gusot sa pag-aagawan nila sa speakership upang maipasa na ang 2021 budget. Abangan!

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with