Pagbalasa ni Cascolan sa PNP hindi nasusunod
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

HINDI dapat na maging kampante ang sambayanan sa paunti-unting pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo­ sa COVID-19. Sa kasalukuyan kasi umaabot na sa 296,775 ang COVID cases sa bansa.

Malinaw na hindi dapat na maging kampante at pa-ka­ang-kaang ang ating mga kababayan, kasi wala pang vaccine para matigil ito. Bagamat na unti-unti nang ibina­balik ng pamahalaang Duterte sa new normal ang pamumuhay sa bansa, hindi dapat na maging pabaya tayo mga suki. Kasi nga palagi nating isaisip ang ating kaligtasan upang hindi na kumalat ang COVID-19 sa ating mga kaanak.

Panatilihin po nating magsuot ng face mask, face shield at social distancing na naayon sa health protocol ng Inter-Agency Task Force. Malinaw na ang disiplina natin sa sarili ang lunas sa nakakamatay na COVID-19. Gets n’yo mga suki? Samantala itong mga kapulisan sa ngayon ay halos wala nang pahinga sa pagpapatupad ng IATF health protocol sa kabila na daan-daan na rin ang tinamaan sa kanilang hanay.

Katulad na lamang ni LtGen. Guillermo Eleazar, Com­mander, Joint Task Force COVID Shield na halos walang sinasayang na oras sa pag-supervise sa mga kapulisan upang masigurong nasa tama ang lahat ng pagpapatupad ng health protocol ng IATF.

Kung sabagay kilala naman si Eleazar na mula palang sa Quezon City Police District hanaggang sa National Ca­pital Region Police Office ay naging darling of the press dahil sa kanyang kasipagan. Hindi mahirap na interbyuhin at madaling umaksyon sa reklamong ipinararating sa kanya. Kaya hanggang sa ngayon ay mataas pa rin ang pag­ti­ngin sa kanya ng media.

Kaya nitong kasagsagan ng COVID-19 halos lahat nang lugar ay naging matagumpay ang pagpapatupad ng health protocol. Sayang nga lang at hindi siya nahirang na maging Philippine National Police chief. Trabaho lang kasi siya nang trabaho at walang kapit sa presidente. Di ba mga suki? Subalit kahit na hindi naman siya naging PNP chief ay tuloy pa rin ang pagtupad niya sa kanyang tungkulin.

Di tulad ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na hinirang ni President Rodrigo Duterte. Di ba mga suki?

Subalit ano itong alingasngas na tila hindi yata nasusunod ang kanyang pagbalasa sa mga opisyales ng PNP? Katulad na lamang sa alingasngas na kumalat sa PNP na hindi nakayanan ng power niya na maalis sa puwesto si PRO7 director B/Gen. Albert Ferro. Sa halip kasi na promotion ang pagka- assign ni Ferro sa DIPO Southern Luzon ay sa kangkungan kaya pinalagan ito at nag-ingay na siya namang nakauntol sa kautusan ni Cascolan. Hehehe!

Mukhang ang minimithi ni Ferro ay ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group subalit mukhang may nakalaan na rito si Cascolan. Sa panig naman ni National Capital Region Police Office chief MGen. Debold Sinas ay inanunsyo nito na ipu-promote ang ranggo para mabigyang daan ang kanyang kaibigan na taga-Calabarzon.

Kinontra ito ni Department of Interrior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano dahil mapu-promote lamang si Sinas kung PNP chief ang kanyang mapupuntahan.

Mapupunta lang kaya sa panis na laway ang kautusan ni Cascolan? Kayo na ang humusga mga suki! Abangan!

COVID-19 PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with