Programang ‘MASB Merchants’ bukas para sa lahat ng supplier sa Makati
#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Simula nang ianunsyo namin ang Makati Assistance and Support for Businesses o MASB Program na nagbibigay ng hanggang P100,000 cash grant sa mga negosyo sa Makati, dinagsa kami ng pakiusap ng mga negosyante at supplier na gusto ring makasali sa aming magandang prog­rama.

Dahil dito, binuksan namin ang online registration para sa iba’t ibang supplier ng goods at services sa Makati. Nais naming bigyan ng pagkakataon ang mas maraming maliliit at nagsisimula pa lamang na negosyo o “startups”. Ngayon higit kailanman, kailangan nila ng suporta at tulong pinansyal upang makabuwelo mula sa pandemya at mapalago ang kanilang negosyo.

Sa ganitong paraan, lalo nating mapapasigla ang lokal na ekonomiya sa Makati. Magbibigay din ito ng pagka­kataon sa mas maraming #ProudMakatizens na magkaroon muli ng trabaho.

Sobrang dali lang ng proseso para magparehistro upang maging accredited MASB Merchant. Pumunta lamang sa www.proudmakatizen.com at i-click ang “Register as MASB Merchant” at i-fill out ang mga kailangan na impormasyon.

Maraming benepisyo ang matatanggap ng mga accre­dited MASB Merchants. Makakasama sila sa mga promotion at marketing programs ng lungsod para dumami ang kanilang mga customer. Maisasama rin sila sa listahan ng mga supplier na maaaring pagkunan ng goods at services ng iba pang mga nag-apply sa P100,000 cash grant.

Sa Maka-Tindahan e-commerce portal naman, maka­kakuha ang MASB merchants ng special rates at discounts. At dahil kasama sila sa database ng accredited mer­chants sa lungsod, awtomatiko na rin silang kasali sa lahat ng mga programa at inisyatibang laan sa pagpapayabong ng kalakalan sa Makati.

Buo ang aking paniniwala na ang maliliit na merchants ngayon ay magiging malalaki at matagumpay na negosyo ilang taon mula ngayon. Masarap isipin na naging instrumento ng kanilang success story ang MASB Program kahit sa maliit na paraan.

ABBY BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with