^

Ang itik ay puro kwak, ang agila ay sumisibad

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Kuwento ito ng isang Inggles na management guru, isina-Tagalog ko:

“Nakapila ako sa taxi stand sa Dubai airport. Nang lumapit ang isang taxi, napansin kong makinang ito sa linis. Maliksing bumaba ang driver – naka-puting shirt, itim na kurbata, at plantsadong pantalon – para ipagbukas ako ng pinto. Iniabot niya ang laminated card na nagsasabi: “Ako si Abdul, iyong driver. Habang ikinakarga ko ang bagahe mo sa trunk, pakibasa ang aking mission statement:

“Iba ito, naisip ko. ‘Abdul’s Mission Statement: Maihatid­ ang customer sa pinaka-mabilis, ligtas at murang kalma­dong paraan.’

“Gusto ko agad siya. Napansin kong malinis din ang loob ng taxi. Pagsakay niya, nagtanong, ‘Gusto mo ng kape; meron akong dalawang thermos, regular at decaf­.’ Biniro ko na gusto ko malamig. ‘Meron akong cooler: re­gular o Diet Coke, orange juice, o tubig?’ Iniabot niya kasabay ng inumin ang isa pang laminated card. Nakalista ang mga diyaryo niya at istasyon sa radyo. Tinanong pa ako kung tama ang lamig ng air-con.

“Matapos ako papiliin ng ruta, tinanong niya kung nais ko mag-usap o mapag-isa. Tanong ko agad, ‘Abdul, ga­nito ka sa lahat ng sakay?’

“Ngumiti siya. ‘Hindi parati,’ aniya, ‘sa totoo nagbago ako nito lang dalawang taon. Nu’ng unang limang taon, puro ako angal tulad ng ibang driver. Tapos nabalitaan ko ang Power of Choice.’

“Sa Power of Choice maari ka maging itik o agila. Kung paggising sa umaga inaasahan mo ang masamang araw, sasama nga ‘yon. Tama na ang angal, parang itik na puro kwak-kwak. Maging agila na sumisibad pataas sa ibabaw ng iba.

“’Nu’ng mabatid ko ‘yon pinasya ko magbago ng pana­naw,’ ani Abdul. ‘Ako ang pipili kung ano ako. Tinignan ko kung ano ang mali sa aming drivers. Lahat ‘yon iniba ko. Bumuti ako, sumaya ang customers. Umayos ang relasyon ko sa pamilya’t kapitbahay. Guminhawa lahat.’

“Malaki ang tip ko kay Abdul. Labis ang pasasalamat niya.”

POWER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with