Paglilinaw ng DUs sa system loss cap
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2020 - 12:00am

DAHIL sa walang humpay na paglilinis sa mga illegal connection (jumper) ng distribution utility ay nabawasan na ang brown out at sunog sa Iloilo City. Ayon sa aking mga nakausap madalas umano ang brown out sa kanilang lugar noon kung kaya halos nagkandasira ang kanilang mga appliances at hindi sila mapalagay sa araw at gabi dahil sa pangambang magkasunog sa kanilang lugar. At sa ngayon na nagkaroon ng hawahan ng COVID-19 malaking bagay na naging normal na ang takbo ng kur­yente, nanatili kasi sa mga bahay ang mga residente roon matapos na isailalim sa enhanced community quarantine hanggang sa general community quarantine.

Kung nagkataon na ang dating kompanya pa rin umano­  ang nagsu-supply ng kuryente tiyak umano na mas lalong dumami ang nahawa dahil sa init ng panahon. Nilinaw ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nasusunod ng distribution utilities (DUs) ang itinakda nilang system loss cap. Ayon kay ERC Chairman Agnes Devanadera mahigpit nilang mino-monitor ang pagsunod ng DUs sa iti­nakda nilang system loss cap. Sa ilalim ng ERC rules ang DUs ay kailangang magsumite ng kanilang system loss reports kada buwan gayundin ang sworn statement annual report na nagpapakita ng kanilang system loss kaya naman namo-monitor ng ahensiya kung mayroong hindi sumusunod. Noong 2018 nagpatupad ng system loss cap na 6.5% ang ERC sa lahat ng DUs.

Layon ng hakbang na ito na mapababa ang binaba­yaran ng mga customer alinsunod na rin sa itinatakda ng  Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at para ma­pagbuti ng mga power supplier ang kanilang distribution system. “The lowering of the system loss caps is a move to bring down the power rates and help electricity consumers mitigate the impact of rising costs of commodities and services. This will encourage distribution utilities (DUs) to improve their distribution system and facilities so that they adhere to the newly-prescribed system loss cap,” sabi ni Devanadera.

Nangako ang More Power na maaasahan ng 65,000 Iloilo power customers na mas bababa pa ang kanilang system loss sa loob ng susunud na tatlong taon resulta na rin ng kanilang ipinatutupad na modernization program. Dalawang klase ang system loss: una ay technical o ang  nawawalang kuryente habang nagta-transmit mula sa generation company patungo sa DUs kaya kung maayos ang distribution system ay mas malaki ang tsansa na walang maaksayang kuryente; ikalawa, ay non technical, o ang nawawalang kuryente dahil sa pilferage o pagnanakaw sa pamamagitan ng paggamit ng jumper, ang bayad sa nawawalang kuryente na ito ay sinisingil din sa mga customers sa pamamagitan ng system loss charge.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with