^

PSN Opinyon

Roxas Market sarado, patuloy ang liquor ban

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Naunsiyami ang inaasam ng karamihan ng mga Da­bawenyo na muling pagbubukas ngayong Setyembre 1 ng sikat na Roxas Night Market dito na kung saan ito ay dinadayo ng mga mahihilig sa street food at kung anong mga bagay-bagay, maging ukay-ukay na binebenta rito.

Itong Roxas Night Market ay dinadayo maging ng mga local residents at ng mga domestic at foreign tourists bago isinara noong Marso nang nagsimula ang community quarantine upang maiwasan ang patuloy na paglawak ng spread ng COVID-19.

Hanggang ngayon, sarado pa rin ang Roxas Night Market at ayon kay presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio, ito ay muling bubuksan sa se-cond o third week ng Setyembre pa dahil nga may mga certain conditions na dapat naayon sa muling pagbukas nito kasali na ang number of COVID-19 cases na patuloy namang dumarami rito sa Davao City.

Kaya ang mga mahihilig na kumain ng barbeque, mga inihaw na tuna panga, buntot at belly at iba pang pagkain ay kailangang magtiis muna at di pa muna mabubuksan sa Martes ng gabi ayon kay Inday Sara.

At ang pinakahihintay rin na lifting ng 24-hour liquor ban  dito sa Davao City ay hindi rin mangyayari ngayong Martes dahil titingnang muli ni Inday Sara kung puwede na bang pahintulutan ang inuman.

Dati kasi ang liquor ban dito sa Davao City ay simula 12:00 midnight hanggang 6:00 a.m. lang ngunit noong nagkapandemya, ginawa na itong 24-hour na bawal.

Pasensiya na lang sa mga gutom na at sa mga nauuhaw na dahil talagang sarado pa ang Roxas Night Market at bawal pa rin ang inuman dito sa ating lungsod ng Davao.

vuukle comment

LIQUOR BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with