Sa ngayon
K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2020 - 12:00am

Naka-focus daw ang Palasyo sa pagtukoy sa naga­ganap na pandemya sa kabila ng kilos ng isang grupo ng mga taga-suporta ni President Duterte na magta­guyod ng revolutionary government hanggang Hunyo 2022. Inim­bitahan pa nga nila si PNP Chief Gen. Archie Gamboa para pag-usapan ang kanilang mga plano.

Nagtipon sila sa Clark Freeport Zone kung saan ang plano nila ay magmartsa patungong Malacañang. Pansinin na hindi tinanggihan ng palasyo ang ideya ng revolutionary­ government at sinabing may mas malaking problema nga­yon, ang pandemya.

Ikumpara ito sa pahayag ni DND Sec. Lorenzana na hindi nila sinusuportahan ang grupong iyan. Nagpahayag din si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Maj. Gen. Antonio Parlade na hindi siya naniniwala sa isang revolutionary government dahil matibay ang ating Konstitusyon.

Ito rin ang pahayag umano ng PNP, na hindi nila susu­portahan ang isang revolutionary government at ang Kons­titusyon ang kanilang susundin. O ayan ha. Nagsalita ang AFP, DND at PNP na hindi nila susuportahan ang revolutionary government. Sa ngayon.

Baka naman habang papalapit na ang halalan sa 2022 ay magbago na ang isip nilang lahat. Baka kapag nalaman na magbabago na ang kanilang masasarap na buhay ay isulong nga ang revolutionary government para mapagpatuloy.

Hindi ba’t ito nga ang naisip ni Sen. Panfilo Lacson, na kaya ngayon pa lang ay may ganyang grupong kumi­kilos na ay dahil nag-aalala na magbabago na ang mga ma­sa­sarap nilang buhay? Ilang beses nang narinig ang mga pulitikong nagbabago ng isip sa huling minuto. Ilang beses nang narinig ang mga pangako ng pulitiko na hindi naman natutupad.

Pero sabihin na nating tapat ang DND, PNP at AFP sa kanilang taungkulin na ipagtanggol ang Konstitusyon ng Pilipinas. Dapat sampal na ito sa plano ng grupong iyan. Dapat wala nang pag-asa ang planong iyan. At kung kriminal ang kanilang ginagawa, hindi ba dapat arestuhin na?

Sigurado ako na kung mga miyembro ng oposisyon ang nagmungkahi ng revolutionary government ay mabilis pa sa alas kuwatro ay nakakulong na sila. Pero iwan na natin iyan sa mga awtoridad. Ang mahalaga ay malinaw na labag sa Saligang Batas ang pagtaguyod ng revolutionary government.

PRESIDENT DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with