Illegal connection ng kuryente sa Iloilo City, inaksiyunan
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2020 - 12:00am

Ang pamamayagpag ng mga illegal electric jumper sa 42 barangays sa Iloilo City ay kinalos na. Ito kasi ang pinag­sisimulan ng mga sunog sa lungsod at pagtaas ng bayarin sa kuryente dahil pinapasan ang systems loss. Kaya naman sa loob lamang ng 10 araw ay umaabot na sa 4,000 illegal connection ang nasawata ng distribution utility na More Power and Electric Corp (More Power) sa ilalim nang inilunsad nitong “Oplan Valeria” na nakatuon para maw­akasan na ang matagal nang problema sa electric jumper sa Iloilo City.

Ayon kay Ariel Castañeda, hepe ng Apprehension Team ng More Power, ang mga nahulihan ng jumper ay mula sa 42 barangay sa Iloilo City. Kasabay nito, nagbanta si More Power Legal Officer Atty Allana Babayen-on sa mga residente na may illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin at papa­­nagutin sa batas kung saan maaaring makulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa. Sa unang sigwada ng operasyon nasa anim katao na ang kina­suhan ng More Power ng paglabag sa Anti Pilferage Law, na napatunayang nasa likod ng sindikato na nagka­kabit ng jumper.

Sa 2019 technical study na ginawa ng Miescor Engi­neering Services Corp., natukoy nito na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, ito ang tinuturong dahilan ng pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3% sa ilalim ng dating power firm na Panay Electric Company (PECO) gayundin ang overloading sa linya ng kuryente kaya naka­karanas nang biglaang mga brownout. Kaya may pana­wagan ang More Power sa mga nahulihan ng jumper na huwag ng bumalik sa ilegal na gawain at sa halip ay mag-apply ng legal na kuntador ng kuryente. “We’ve shortened the process even more. Pag-submit ng mga papeles mula sa City Engineer’s Office katulad ng Electrical Safety Inspection Certificate at mabayaran ang  deposito kahit partial lang na P1,000, kakabitan agad sila ng electrict meter.” pahayag ni Castañeda.

Itinuring ni Bgy. East Baluarte, Molo Barangay Chairman John Gary Patnubay na isang “blessing” ang pagpasok ng More Power sa Iloilo City dahil natigil na ang mga insidente ng sunog dulot ng faulty electrical wiring. Tinuran ni Patnubay na mabilis, magaan at murang aplikasyon sa pagpapakabit ng electric connection at abot kayang singil sa kuryente na ipinatutupad ng More Power na  nag-udyok sa mga consumers na talikuran na ang panganib na paggamit ng jumper. “In my barangay alone, more than 80 of the 130 applications for electrification are now legally connected, 50 of which were done in 1 single day on Saturday. It was fast, amazingly fast.Let’s give it to MORE Power and its iKONEK Program that it launched in partnership with the city government of Iloilo to encourage city residents in securing their own regular power accounts,” paliwanag pa ni Patnubay.

Dati-rati kasi na PECO pa ang nangangasiwa sa power service sa Iloilo City napakataas na singil sa kuryente dahil nga sa namamayagpag ang mga jumper. Nangako naman ang bagong distribution utility na More Power na pabababain  ang electricity rate sa lalawigan sa pamamagitan na rin ng ginagawa nilang magmodernisa sa transmission system sa loob ng tatlong taon. Ang kailangan lamang dito mga suki ay ang inyong kooperasyon. Gets n’yo mga kasimanwa ko!

MORE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with