EDITORYAL - Presyo ng face shields
EDITORYAL - Presyo ng face shields
(Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

DATI, ang face shields ay nabibili lang ng P35 hanggang P40 bawat piraso. ‘Yung masyadong magaganda at may kalidad, umaabot ng P500 bawat piraso. Pero nang i-require ng Department of Transportation (DoTr) na lahat nang pasa­hero ng pampublikong transportasyon ay kailangang naka-face shields sa Agosto 15, biglang nagtaasan ang presyo. Ang dating P35 ay naging P80 hanggang P100 ang presyo. Tubong lugaw ang mga negos­yante. Ang nakuha lang nila ng P30 o mas mababa pa ay ibinibenta ng P80. Sobra na ang ganitong panlalamang sa kapwa.

Ganito rin ang nangyari nang biglang mauso ang pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol at iba pang disinfectant. Bigla ring lumobo ang presyo ng mga ito at ang matindi pa, maraming gahamang negosyante ang nag-hoard ng face masks at alcohol. Nang magkaubusan, inilabas nila ang itinagong masks at alcohol at binenta nang doble. Siyempre, dahil kailangang-kailangan ng mama­mayan, napipilitan na silang bumili kahit mahal.

Ganito rin ang nangyayari sa face shields. Ayon sa report, nagkakaubusan na nito sa Divisoria. Marami ang pumapakyaw para inegosyo. Nakakita muli nang pagkakataon ang mga negosyante para kumita nang limpak. Kakamal na naman sila ng pera. Hindi na naisip ng mga negosyanteng ito na marami ang naghihikahos dahil maraming nawalan ng trabaho. Inagaw na nga lang ang pambili ng face shields sa budget sa pagkain. Hindi naman sana tubuan nang todo ang face shields.

Nararapat nang makialam ang Department of Trade and Industry (DTI) sa isyung ito nang pagtaas ng presyo ng face shields. Magkaroon na ng suggested retail price (SRP) para naman maiwasan ang sobra-sobrang tubo sa kagamitang ito.

Hindi dapat magsamantala ang mga negosyante lalo na sa panahong ito ng pandemya na ang mga tao ay tuliro, nangangamba at hindi malaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Kumilos sana ang DTI sa isyu nang pagtaas ng presyo ng face shields. Kawawa naman ang mga hindi makakabili nito dahil sa kawalan ng pera.

DOTR DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with