^

PSN Opinyon

Police colonel, timbog sa nakaw na sasakyan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUNG sa tingin ni Lt. Col. Renato Castillo magagamit ang ranggo tuwing sisitahin siya sa paggamit ng nakaw na sasakyan, aba eh malaki ang pagkakamali niya. Batid na­man natin mga kosa na kapag ordinaryong pulis lang ang sisita kay Castillo, tiyak tatameme ito kapag nakita ang ranggo niya. Subalit hindi sa lahat ng panahon ay magtatagumpay ang ganitong sistema dahil si Castillo ay natiklo ng Integrity and Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng PNP noong Huwebes sa Silangan Road, Bgy. Silangan sa San Mateo, Rizal habang nagmamaneho ng nakaw na sasakyan. Dipugaaaa!

Sinabi ni IMEG director Brig. Gen. Ronald Lee na si Castillo, 46, na naka-assign sa RPHAS ng NCRPO, ay ipinasailalim sa validation at Intel Packet Stencil noong Hulyo 17 dahil sa report na gumagamit ito ng nakaw na pulang Toyota Innova. Ayon kay Brig. Gen. Ely Cruz, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) ang Toyota Innova (WKO 650) ay pag-aari ng isang Jonnel Sangalang, at nina­kaw habang naka-park sa Magnolia St., Roxas District sa Quezon City noong Agosto 5, 2014. Ang kotse ay may nakakabit na plakang AAM 3350 na para sa ISUZU DMAX at ginagamit ni Castillo, ani Cruz.

Kasama ang mga operatiba ng Task Force Limbas ng HPG, intelligence ng NCRPO, Criminal Investigation Division ng Intlligence Group, nasukol ng IMEG Luzon Field Unit (LFU) si Castillo sa San Mateo at kusang sumuko ito. Nakumpiska pa sa kanya ang Pietro Berreta at isang celfone. Ayon kay Lee, kakasuhan si Castillo ng anti-carnapping at R.A. No.3019 o Anti-Graft and Corrupt Prac­tices Act at R.A. No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard. Dipugaaa!

Si Castillo ay miyembro ng Philippine National Police Accademy (PNPA) Class ‘98, at pinakamarami na klase sa PNP sa ngayon. Dati siyang naka-assign sa SDEU ng Eastern Police District subalit nasibak dahil sa sandamakmak na kaso, ani Lee.

Sinabi ni Col. Remus Medina, intelligence chief ng NCRPO, si Castillo ay naka-schooling ng Officer’s Senior Executive Course, na isang requirement para ma-promote sa full colonel. Dipugaaa! Gusto pa ma-promote eh! Bakit kaya hindi maubos-ubos ang balasubas sa PNP eh halos dinoble na ni President Digong ang suweldo nila? Abangan!

vuukle comment

CARNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with