^

PSN Opinyon

‘Donor fatigue’

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Higit apat na buwan na tayong sinasalanta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. At hindi lang tayo rito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo at walang pinipiling bansa maging mayaman gaya ng America, Bri-tain, Italy, Germany, France, Russia at iba pa o ang mga mahihirap na bansa gaya natin dito sa Pilipinas.

Sinira ng COVID-19 hindi lang ang kalusugan  ng tao ngunit dinadamay na rin nito ang kalusugan ng ekonomiya ng mundo na lahat ay talagang pinahinto ang paggulong ng dating lifestyle ng tao.

At kaya nga muli nating binuksan ang ating ekono­miya ay dahil talagang babagsak ang ating bansa kung magpa-patuloy ang ating lockdown o quarantine na pinaiiral nitong mga nagdaang buwan upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 infection.

At kapansin-pansin na noong simula ng COVID crisis na ito noong Marso, ang daming private entities at organizations maging private citizens na nagbibigay o nagdo-donate ng PPEs at iba pang kagamitan panlaban sa COVID-19.

Lahat sila ay nagpaligsahan kung sino ang unang makakabigay sa mga nangangailangan ng ospital  at ma-ging frontliners upang labanan ang COVID-19. Marami rin ang nagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayang na-ngangailangan lalo na at marami ang nawalan ng trabaho.

Ngunit nitong mga huling araw ay medyo dumadalang na rin ang mga nagbibigay ng ayuda at mga kagamitan gaya ng PPEs sa mga nangangailangan.

Isa lang ang ibig sabihin nito – umabot na rin tayo sa punto ng “donor fatigue” at dapat may gagawin tayo kung bakit naging ganito lalo at hindi pa tayo tapos sa laban kontra COVID-19. Ito ay sa dahilang lalong lumiliit ang pondo ng ating pamahalaan sa pangangailangan ng mamamayan.

Kung hindi natin maaagapan ang “donor fatigue”, baka magpadali ito sa pagbagsak ng ating bansa dahil sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with