Nasawi sa COVID-19
Alam kong mabangis ang COVID-19 virus. Walong kaibigan namin ni misis ang nasawi sa loob lang ng unang bulusok. Ipinagdadasal namin na nawa’y kayakap ngayon ng Diyos Ama ang kaluluwa nina:
† Aileen San Pablo Baviera, PhD - makabayang propesora sa University of the Philippines, dating dean ng Asian Center, political scientist; kasamahan ko sa Philippine Navy Board of Advisers;
† Nestor Sytengco - negosyante ng lupa, chemicals, gamot; matulungin sa kapwa; simpleng makitungo pero anang Forbes ay ika-36 na pinaka-mayamang Pilipino;
† Alan Ortiz, PhD - lider sa negosyo; dating presidente ng Philippine Council for Foreign Relations, SMC Global Power, at National Transmission Co.; kasama ko sa repormistang TransPhilippine Forum;
† Francisco “Kiko” Lukban, MD - tanyag na gra-duate ng U.P. College of Medicine at namuno sa Philippine General Hospital kontra C-19; kapitbahay at kalaro ko noong bata;
† Menggie Cobarrubias - aktor sa entablado mula dekada-’70 sa U.P.; aktibong kasapi ng U.P. Barkada para sa kaibiganan ng fraternities;
† Maria Lourdes “Baby” Goyena-Herrera - da-ting aide nina Prime Minister Cesar E.A. Virata at Vice President Salvador Laurel; best friend ni misis mula elementarya sa Dagupan;
† Renato Velasco, PhD - dating director ng Deve-lopment Bank of the Philippines; propesor ng political science; kapwa aktibista sa U.P.; at
† Heherson Alvarez - dating senador, congressman, at delegado ng 1970 Constitutional Convention; dating Secretary of Environment and Natural Resour-ces; lumaban sa diktaduryang Marcos; tagapagtaguyod ng klima at kapaligiran; asawa ni theater director Cecile Guidote Alvarez.
Sumalangit din ang iba pang namatay sa pandemic. At mabilis at lubos na paggaling sa mga naimpekta, naospital man o sa bahay.
Ayokong may madagdag pa sa talaan. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagligtas sa aking pamilya, katrabaho, at maraming kaibigan.
- Latest