^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Binigyan sana ng isa pang pagkakataon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Binigyan sana ng isa pang pagkakataon

Tinapos na ng mga Kongresista ang usapin sa hinihinging prangkisa ng ABS-CBN noong Biyernes. Pitumpong kongresista ang bumoto ng ‘‘yes’’ para ibasura ang franchise bill. Labing-isa naman ang nag-‘‘no’’, 2 ang nag-inhibit, 1 ang nag-abstain at 6 anim ang hindi nag-participate o absent. Dalawang buwan ang ginugol ng House sa pagdinig para sa hinihinging prangkisa. Sa huli, nanaig ang rekomendasyon ng technical working group (TWG) na ibasura ang hinihinging bagong prangkisa ng network. Nagsimula ang pagdinig noong Mayo. Una nang ipinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pag-ere ng ABS-CBN noong Mayo 5.

Kabilang sa mga report ng TWG na naging dahilan kung bakit hindi naipagkaloob ang hinihiling na 25-year franchise ay ang pagdududa sa citizenship ni ABS-CBN chair emeritus Eugenio “Gabby” Lopez at ang paggamit ng Philippine depositary receipts na isang paglabag sa Constitution. Kinukuwestiyon din ang validity ng pag-aari ng assets na muling nakuha makaraang bumagsak ang Marcos dictatorship. Kinukuwestiyon din ang pagbebenta ng TV Plus boxes para sa pagbo-broadcast digitally at ang paggamit nito sa pay-per-views.

Ayon pa rin sa TWG, nilabag din ng ABS-CBN ang prangkisa nito nang gamitin ang prangkisa ng Amcara Broadcasting at ginamit ang Big Dipper Design at ginawang tax shields ang ABS-CBN Foundation.

Ang lahat naman nang inaakusang ito ay sinagot lahat ng mga pinuno ng ABS-CBN sa mga ginawang pagdinig. Pero sa dakong huli, nanaig ang mala-king boto ng mga kongresista na nagbabasura sa prangkisa.

Sana, binigyan ng isa pang pagkakataon ang ABS-CBN na ipakita ang kanilang pagbabago. Isa pa, kawawa ang mga mawawalan ng trabaho sapagkat sa susunod ng buwan, magtatanggal na ang network ng mga manggagawa nila. Saan sila pupunta ngayon na nananalasa pa ang pandemia.

Sana nakita ng mga kongresista ang magiging resulta sa pagbasura nila ng prangkisa. Maaari pa naman nilang bigyan ng isa pang pagkakataon pero hindi na ginawa.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with