Laganap ang droga
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2020 - 12:00am

NITONG mga nakalipas na mga araw, sunud-sunod ang paglambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police sa mga bigtime drug pushers sa Bulacan, Calabarzon at Metro Manila. Sinasamantala ng drug pushers ang pagiging abala ng mga kapulisan bilang fronliners kontra COVID-19. Ngunit hindi palalampasin ng mga pulis na makapagsabog ng droga ang big time drug pushers at lambatin ang mga ito.

Kilo-kilong shabu naman ang nalambat ng PDEA sa pananalakay at buy bust operation kaya masasabi kong nagtatrabaho nang husto ang mga awtoridad. Naging­ hanapbuhay na kasi ang pagtitinda ng shabu kaya hindi matigil-tigil ang paglaganap ng droga. Lahat nang paraan ay ginagawa ng PDEA at PNP para matunton ang shabu na inimbak ng mga drug syndicate sa bansa. Unti-unting inilalabas ng sindikato ang kanilang mga nakaimbak na droga at pinabebenta sa mga mahihirap na drug pushers. Pero nakaabang lang ang PDEA at PNP sa kilos nila kaya nahuhuli ang mga ito.

Gaya ng pagkahuli sa maglive-in-partner na sina Edgardo Umali at Mariel Duncan na nahulihan ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa par­king lot ng isang Mall sa Quezon City. Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Sec. 5,11 at 12 ng Republic Act 9165 (Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Samantala, ibang klaseng kabulastugan naman ang ginawa ng dalawang pulis ng Police Regional Office 1. Ang tinutukoy ko ay sina SSgts. Randy Ramos at Marawi Torda na mga akusado sa panghahalay at pagpatay sa dalagang si Fabel Pineda. Nadamay sa pagkasibak ang kanilang mga kasamahang pulis sa Cabugao at San Juan Police ng Ilocos Sur dahil sa hindi pagbibigay ng proteksiyon noong lumapit at magreklamo ang biktima. Kabilang diyan si SSgt. Merly Joy Pascual ng Cabugao MPS Women’s Desk officer.

Nang magreklamo si Fabel ay di man lang binigyan ng police escort matapos na magreklamo laban kina Ramos at Torda. Nang matunugan ng mga suspek nagreklamo ang biktima sa Cabugao Police Station, inabangan nila ito sa isang ilang nalugar at doon na pinatahimik.

Hindi ito nakalampas kay PNP chief Gen. Archie Gamboa kaya napabilis ang paghuli sa dalawang pulis. Umaksiyon nina  PRO1 chief Brig. Gen. Jun Azurin at PNP Integrity Monitoring anf Enforcement Group chief Brig. Gen. Ronald Lee at nahuli ang mga lasenggong pulis at manyak. Sa ngayon swak sina Ramos at Torda sa kumunoy at siguradong mawawala na ang kanilang milyones at supertaas na suweldo. Siguradong madadamay pa sa kahihiyan ang kanilang pamilya dahil lamang sa panandaliang aliw.

Kaya sa mga suki kung pulis, iwasan ninyo ang sobrang pag-inom ng alak dahil ito ang magsasadlak sa inyo sa kapahamakan. Gampanan ninyo ang sinumpaang serbisyo sa bayan habang tinatamasa ang supertaas na suweldong ipinagkaloob sa inyo ni Tatay Digong. Get n’yo mga suki? 

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with