DENR Usec. Antiporda, aksiyunan mo ang dynamite fishing sa Pilar, Capiz
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

ANG kinatatakutang lockdown sa Capiz ay naganap na ngunit sa borderlines lamang. Nag-ugat ang pagbabalik ng lockdown sa borderlines matapos na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases sa Iloilo. Sa pagtaya ng Department of Health (DOH) umabot na sa 594 katao ang nahawahan sa Western Visayas kaya lockdown ang Iloilo at Bacolod. Ang umaray sa lockdown ay ang sikat na Boracay Island. Wala na silang customer na pumapasok o namamasyal sa kanilang lugar dahil sobrang higpit sa boarderlines na ipinatutupad ng mga local government units (LGUs). Maging ang mga may-ari ng fish pond ay umaaray na rin matapos na bumagsak sa pinakamababang presyo ang kanilang mga aning bangus, sugpo, hipon at alimango dahil pahirapan ang pagpasok sa mga fish port sa Iloilo City.

Pati ang mga mangingisda sa Capiz ay lumpo na rin dahil wala na halos bumibili sa kanilang mga huling isda at kung mayroon man, nagkakasya na lamang sa halagang P30.00 bawat kilo. Subalit hindi riyan nagtatapos ang problema ng mga mangingisda dahil ngayon, walang patid na lumalagari sa karagatan ng Pilar, Capiz ang mga illegal fishermen gamit ang “simpot” (lambat na maliliit ang butas) kaya kahit similya ng isda ay tangay ng mga ito. Idagdag pa ang dynamite fishing na ikinasisira ng corals.

Tinatawagan ko ng pansin si DENR Usec. Benny Anti­porda na hambalusin niya ang kanyang mga alipores sa Western Visayas partikular sa Capiz. Mukhang nagbubulag-bulagan na ang mga ito sa ginagawang dynamite fishing­ sa Pilar, Capiz. May hinala rin na ang operasyon ng “hulbot-hulbot” ay may koneksyon sa mga Bantay salakay este Bantay Dagat ng Pilar, Capiz. Malalakas umano ang loob ng mga ito dahil kapag nahuli, ay agad ding nakakalabas sa selda. Malakas ang kapit ng mga ito sa mga tiwaling opisyales ng lalawigan.

Kaya ang kanilang pakiusap, bigatan ang parusa sa illegal fishing upang hindi na makabalik ang mga ito sa karagatan. At kung maari Usec Antiporda, sa Region Office ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources  (BFAR) kasuhan ang mga nahuhuli sa illegal na pangingisda. Kasi kung sa Pilar lamang isasampa ang kaso, nagkakaaregluhan sa halagang P20,000 kaya lusot ang mga ito at balik na naman sa illegal nilang trabaho.

Eto pa, Usec Antiporda, ang mga salot na illegal na mangingisda ay nagmumula pa umano sa Bayan ng Carles, Iloilo at ang iba naman ay galling pa ng Masbate. Dumadayo ang mga ito dahil nga malamya ang kampanya ng BFAR, DENR, Philippine Coast Guard at maging Philippine National Police-Maritine Group.

Kaya sa pamamagitan ng kolum na ito, sana mabigyan ng agarang aksyon ang kanilang hinaing dahil sadsad na ang kanilang pamumuhay na epekto ng COVID-19 pandemic.

DYNAMITE FISHING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with