Drug lords na witness vs De Lima, buhay pa?
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

Mababawasan kaya ang supply ng shabu sa bansa sa pagkamatay ng mga drug lords na na-COVID-19 sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City? Ang balitang kumakalat sa Camp Crame ay siyam na sa mga drug lords, kabilang na si Pasig shabu “tiangge” operator Amin Imam Boratong, ang natsugi ng virus. Kung sabagay, malaking bahagi ng mga shabu na nakumpiska sa drug bust ng kapulisan ay itinuturo na sa “loob” ng NBP nanggaling. Tinatawagan lang ng mga drug pushers ang mga numero sa celfone sa NBP at presto...ginigiyahan na lang sila kung saan kukunin ang epektos. At ang bayad ay hinuhulog na lang sa banko. Dipugaaaa!

Hindi na ako lalayo pa mga kosa dahil ang huling raid ng mga bataan ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa kung saan bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa Taguig City, Parañaque City at Bulacan ang itinuturong nasa likod ay ang drug lord na si Kerwin Espinosa. Ang apat na namatay sa Taguig at Parañaque at ang tatlong inaresto sa Marilao, Bulacan ay mga trabahador ni Espinosa, di ba Lt. Col. Jovie Espenido Sir? Mabuti na lang at itong si Espinosa ay nakakulong sa NBI kaya nakaligtas siya sa COVID. Dipugaaaa!

Sa totoo lang, si Espinosa ay isa sa mga witness laban kay Sen. Leila de Lima, na nakakulong pa sa Camp Crame. Ang balita sa NBP, ang natirang buhay sa drug lords ay mga witness din laban sa butihing senador. Hanggang sa ngayon, tahimik pa si Bureau of Correction chief Gen. Gerald Bantag tungkol sa pagka-COVID ng drug lords. Dipugaaaa!

Nitong nagdaang araw, milyun-milyong shabu ang nakukumpiska ng mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas sa Metro Manila. Mukhang ang mga umiikot na shabu ay nakatago nang ideklara ni President Digong ang lockdown noong Marso at ngayon lang pinakakawalan, di ba NCRPO intelligence chief Col. Remus Medina Sir? Abangan!

DBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with