Unang araw ng GCQ daming stranded
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

Kahit hindi pa napapanahon, napilitan ang pamahalaan na payagan na kahit sa limitado ng paraan na makapagbukas ang mga negosyo at makabalik sa trabaho ang mga kababayan natin. Hindi kasi puwedeng matagal na nakatiwangwang ang makinarya ng ekonomiya.  

Limitado ang mga pampublikong sasakyang pinayagang bumiyahe sa unang araw kaya maraming stran­ded, lalo na nang mag-uwian na ang mga commuters pagka­tapos ng trabaho.

Mataas pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at kailangan pang limitahan ang bilang ng mga taong luma­labas upang pigilin ang pagkalat ng sakit. Ka­sabay niyan, kailangang makapagsimula na ang mga negosyo at kung hindi, babagsak ang ekonomiya. 

Sabi nga, “it’s a choice between the devil and the deep blue sea.” Kaya nangangapa pa sa dilim ang ating pama­halaan upang makahanap ng solusyon.

Dahil sa sitwasyon kahapon, napilitan ang Philippine National Police at Philippine Coast Guard na mag-deploy ng mga behikulo para bigyan ng libreng transportasyon ang taumbayan. Hindi pa rin ito nakasapat.

Batikusin man natin ang gobyerno, wala talagang ma­ga­gawa ito upang mailapit sa dating normal ang ating kala­gayan. Kung bigla na lang tayong magbalik-normal sa gitna ng pandemic, baka lahat tayo ay mangamatay sa sakit na ito.

Sabi naman ni PNP Chief, Director General Archie Gamboa, magpapatuloy ang libreng sakay na iniaalok ng PNP habang may kakulangan pa sa pampublikong transportasyon. 

COVID-19 GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with