Payo para tumalino ang mga bata
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2020 - 12:00am

Maraming bata ang nahihirapang mag-aral at hindi makapasa sa exam. Paano ba nila matatandaan ang lesson? Narito ang aking mga payo:

• Ilista ang inaaral – Para matandaan ang leksyon, mas madali kung ililista ang inaaral. Madaling matandaan kapag nakalista ng 1, 2 at 3 ang minememorya.

• Gumawa ng kodigo – Kunin ang unang letra ng gustong tandaan. Halimbawa, kung kailangang tandaan ang Pasig River at Marikina River, tandaan na lang ang P at M. Kaya PM ang kodigo mo.

• Markahan ang libro – Ang libro ay dapat minamarkahan. Ito ang paraan para matandaan ang inaaral. Kung hindi sa iyo ang libro, gumawa na lang ng index cards at isulat ang importanteng detalye.

• Ilarawan – Kung kayang ilarawan ang leksyon, mas madali itong matatandaan. Kung gustong tandaan kung nasaan ang Leyte, ilarawan ito na may Cebu sa kaliwa at Eastern Samar sa kanan.

• Mag-review nang paulit-ulit – Ang tamang pag-aaral ay ‘yung paulit-ulit. Kahit sino ay hindi kayang magme­morya sa isang basahan lang. Basahin ang leksyon ba­wat linggo para hindi mawala sa isipan.

• Magdesisyon na mag-aaral – Kung ilalagay ang emosyon at buong puso sa pag-aaral, siguradong papasa. Isipin ang pagkakataong na-in love ka, hindi ba’t tandang-tanda mo ang mga detalye ng pangyayari? Ito’y dahil may emosyon noon at nakaukit na ito sa utak at puso mo.

• Maging healthy – Ito ang pinakamahalagang payo. Kumain ng masustansya, mag-ehersisyo at matulog nang sapat.

• Magdasal – Bukod sa pag-aaral dapat ding mag­dasal. Sa tulong ng Diyos at pagsisikap, magiging mata­gumpay sa buhay.

EXAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with