Hindi dapat nagmura ang Pasay councilor
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2020 - 12:00am

Grabeng Batikos ang natanggap ng konsehal ng Pasay City na si Arnel “Moti” Arceo dahil sa pagmumura­ at pani­nigaw nito sa mga medical technologist ng City Health Office.

Nagpa-interview sa akin sa telepono si Arceo. Aniya, hindi mga tao ang minura niya kundi ang sitwasyong gumulantang sa kanya sa kanilang session hall na nasa 4th floor ng City Hall. Alas tres ng hapon, naabutan niyang patapos na ang rapid testing na isinasagawa sa mga empleyado. Ang kanyang ikina-high blood, wala man lang nag-abiso sa kanilang mga konsehal na isasagawa pala ang rapid testing sa kanilang session hall. Linggu-linggo raw nila itong ginagamit para pag-usapan ang mga proyekto at iba pang isyu sa konseho. Marami naman daw lugar ang City Hall na mas ligtas isagawa ang rapid testing, bakit sa session hall ng mga councilor at wala man lang paalam!

Sabi raw ng Human Resources ng City Hall, nagpa­alam sila kay Vice Mayor. May lumabas din daw na memo na ipinaaalam sa lahat ng departamento ng Pa­say City Hall na magaganap ang rapid testing sa session­ hall.

Sabi naman sa akin ni Arceo, wala silang natanggap­ na memo. Sinisisi ni Arceo si Pasay City Health Officer­ Dr. Cesar Encinares sa kaguluhang ito. Clearly, there was an internal issue. Sabi nga, the quality of your organization depends on the quality of your communication and vice versa.

Depensa naman ng Philippine Association of Medical­  Technologist (PAMET), huwag idamay ang health workers­ at medical technologists sa problema nila sa loob ng City Hall. Kung may “miscommunication” sa pag-oorganisa ng proyekto, hindi dapat na kagalitan, sigawan, murahin­ at ipahiya ang frontliners.

Unfiltered, piniga ko ang magkabilang panig hinggil­ sa isyung ito at natuklasan ng BITAG ang may kapalpakan. Abangan ang buong segment na ito sa PTV4 sa BITAG­ Live at sa BITAG Official YouTube Channel.

ARNEL “MOTI” ARCEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with