Ah ganun? Pag sila p’wede?
K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2020 - 12:00am

Inutusan na ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang ginawang selebrasyon sa kaara­wan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. Labag sa mga patakaran ng quarantine ang mass gatherings. Eh itong party ng NCRPO chief ay maraming tao na walang mask at dikit-dikit sa inuman nila. Ipinagtanggol ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang party ni Sinas dahil nag-social distancing naman daw. Paano kaya magkakaroon ng social distancing sa loob ng iisang bahay? May litrato ano!

Ayaw pa ngang payagan ng gobyerno ang mga simbahan na magbukas dahil bawal nga sa ECQ. Ayaw ring payagan ang mga burol. Pati barber shop, parlor at gym, ayaw rin. Pero ito, p’wede? Dahil ba kaalyado ng gobyerno? Dahil ba malakas ang kapulisan ngayon kay President Duterte? Siyempre pag kainan na, tanggalan na ng face mask. Nakapila nga ang mga bisita para kumuha ng pagkain. At may banda pa. Nakita ang mga litrato ng party sa Facebook page ng NCRPO Public Information Office, na ngayon ay tinanggal na. Talino naman. Kung wala palang mali, eh bakit tinanggal? Sinasabi pa kesyo “edited” ang ibang larawan na galing sa ibang pagtitipon pero galing nga sa FB page ng kanilang PIO at pare-pareho lang ang suot na t-shirt ni Sinas sa mga litrato.

Sinita ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang seremonya ng pagretiro ng isang hurado na may 40 taong serbisyo na idinaos sa pamamagitan ng teleconferencing lang. Marami nga riyan ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan, pero hindi naman makapag-party dahil baka puntahan ng mga pulis at hulihin. Sabi ni DILG Sec. Año “big no-no” ang ganyang party sa ilalim ng lockdown, pero ipapaubaya na raw sa PNP ang im-bestigasyon. Pero pinipilit talaga ni General Gamboa na walang nakikitang pagkakamali sa party.

Tandaan na ang ginanap na party ay sakop pa rin ng ECQ. Sa modified ECQ bawal pa rin ang mga pagtitipon na ganyan. Ano kaya kung miyembro ng oposisyon ang nag-party at nilagay rin sa FB ang mga litrato? Bigyan kaya ng pagkakataong magpaliwanag o aarestuhin na lang? Mag-iisip ka talaga na ang batas o ang quarantine ay may “double standard” depende kung sino ang luma­labag. Bulok.

MENARDO GUEVARRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with