^

PSN Opinyon

Mga pulis at sibilyan, dapat magrespetuhan! – Eleazar

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Para maiwasan ang ‘di-kanaisnais na insidente habang ipinapatupad ang mga alituntunin sa COVID-19 pandemic, hinikayat ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy for Operations ng Philippine National Police (PNP), ang mga pulis at sibilyan na magrespetuhan. Inutusan din ni Eleazar ang mga pulis na i-observe ang maximum tolerance at igalang ang human rights ng mga sibilyan habang nagpapatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Sabi niya, “The keyword is still respect. If we know how to respect one another, either we would not do provocative actions that could lead to confrontation or would learn how to de-escalate tension. Either way, it is a win-win solution.” Malakas ang paniwala ni Eleazar na hindi hahantong sa gulo ang sitwasyon kapag may respeto ang pulis at sibilyan sa isa’t isa. Tumpak, ‘di ba mga kosa? Kaya nanawagan si Eleazar na maging mahinahon ang kapulisan at sibilyan sa panahon ng COVID dahil sa insidente na pagbaril sa dating Army trooper sa Quezon City at ang bangayan sa Dasmariñas Village sa Makati na nag-viral sa social media. Araguuyyy! Hak hak hak!

Ipinaliwanag naman ni Eleazar na ang mga pulis, militar at iba pang law enforcers ay nagpapatupad lamang ng ECQ para hindi pa lumala ang virus. Ipinasya kasi ni President Digong na i-extend ang ECQ hanggang Mayo 15 sa Metro Manila at iba pang lugar na mataas ang COVID. Sa totoo lang, frontliners ang kapulisan dahil itinataya rin nila ang buhay sa pag-implement ng ECQ at napapalayo sa pamilya. Maging ang PNP ay sinalanta rin ng COVID sapagkat tatlo na ang namatay sa kanila, samantalang 89 ang persons under investigation. Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya ang panawagan ni Eleazar sa mga Pinoy, panatilihing malamig ang ulo para maiwasan ang mga ‘di-kanais-nais na insidente.

Abangan.

vuukle comment

ECQ

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with