^

PSN Opinyon

Pulis sa Cebu, sa kulungan nag-Semana Santa!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nais ni Cpl. Wenefredo Olongayo, naka-assign sa Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Waterfront Police Station sa Cebu City, na mamuhay nang marangya ang kanyang pamilya. Kaya lang, gusto niya ay sa maling pamamaraan. Ginagatasan kasi ni Olongayo ang pamilya ng mga nahuli nilang drug pusher sa pangakong tutulungan ang mga ito sa korte. Get’s n’yo mga kosa? Kaya hayun, SWAK si Olongayo sa mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, hepe ng Integrated Moniroting and Enforcement Group (IMEG) sa isang entrapment operations noong Abril 7, kaya goodbye na lang sa pangarap niya para sa pamilya.

At imbes na makapiling ang mahal sa buhay niya nitong Semana Santa, sa kulungan bumagsak si Olongayo na maa-ring ma-dismiss na rin sa pagka-pulis alinsunod sa internal cleansing na pinatutupad ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. Kapag nakasuhan na sa korte si Olongayo, mawawalis na rin ang suweldo at benefits niya sa PNP at imbes na marangyang pamumuhay, gutom at kahihiyan ang aabutin ng kanyang pamilya. Tumpak!

Sinabi ni Lee na nahuli ng tropa ni Olongayo ang drug pusher na si Romel Villarmino, 31, sa isang drug sting sa Sitio Silangan 2, Brgy. Tejero noong Abril 1. Nakumpiskahan si Villarmino ng buy-bust money at ilang gramo ng shabu. Ayon pa kay Lee, habang nakakulong si Villarmino, panay naman ang hingi ni Olongayo ng aircon at kung anu-anong bagay sa kapatid nitong si Reymart, sa pangakong tutulungan sa korte para maabsuwelto ang kaso. Get’s n’yo mga kosa?

Nitong huli, humingi uli si Olongayo ng aircon kay Reymart para naman sa asawa niyang si Nescen Jane. Nagsumbong si Reymart sa IMEG at naaresto si Olongayo, kasama si Jevy Rea Gelig, at nakumpiska sa kanya ang isang aircon, assorted cell phones, pitsa, belt bag, Honda Wave motorcycle at Glock 17. Araguuyyy! Tiyak luhaan sa ngayon si Olongayo! Abangan!

vuukle comment

SDEU

WENEFREDO OLONGAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with