Panawagan kay Sec. Dar
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

UMARANGKADA na ang Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare Development (DSWD). Bahay-bahay na nilalapitan ng DSWD ang mga mahihirap. Tama itong ginagawa ng DSWD para maiwasan ang corruption. Tumataginting na P200 bilyon ang ipamumudmod ng DSWD. Ngayong may natanggap na ang mga kababayang nawalan ng hanapbuhay, tiyak na hindi na sila lalabas ng bahay at mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19. Dapat lamang na manatili sa tahanan dahil pag sumuway, kalaboso at pagmumultahin pa.

* * *

May pakiusap ang ating mga kababayan kay Department of Agriculture Sec. Willam Dar. Nirereklamo nila ang mahigpit na check point sa lalawigan. Hindi na sila pinalulusot sa mga boundary kaya ang kanilang mga ani ay hindi na nailalabas sa bayan. Kung ganoon, hindi nasusunod ang utos ni PNP-Deputy Director for Operation Lt. Gen. Guillermo Eleazar na luwagan ang pagpasok at paglabas ng cargo trucks lalo na sa Western Visayas particular sa Iloilo, Capiz at Kalibo.

Malaking tulong sa ating mga kababayan kung makakapasok ang mga truck ng gulay, prutas, livestock, bigas, at marami pa. Ito ay mahalaga para hindi maubusan ng supply sa mga palengke. Kung hihigpitan ang mga kargamento, aba, magugutom ang ating mga kababayan lalo pa’t may planong i-extend ang enhanced community quarantine (ECQ).

Wala namang reklamo ang mga taga-Western Visayas kung ma-extend ang ECQ basta ang importante ay makapagluwas sila ng kanilang mga produkto na mahalaga para sa ating mga kababayan. Panawagan ng mga magsasaka at mangingisda na sana ay suportahan sila ng Department of Agriculture. Calling Secretary Dar, dinggin mo ang kanilang panawagan.

COVID-19 DSWD WILLAM DAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with