Hidwaan ng Simbahang Katoliko at Orthodox
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2020 - 12:00am

Iisa ang sampalataya ng Katoliko at Orthodox -- sa triune ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Espiritu Santo. Pareho ang kanilang mga Piyesta -- Pasko at Easter -- at mga seremonya at ranggo ng mga kleriko. Parehong nagsasabing galing sila sa tunay na Kristiyanismo. Kung gan’un, bakit di sila magkaisa, imbis na may Pope ng Katoliko at Patriarch ng Orthodox?

Nirepaso ng Economist magazine ang kasaysayan ng hidwaan nila. Malalim, masakit ang pagkakahati nu’ng 1054 ng Kristiyanong Silangan, o mga Greko ng Roman Empire, at ng Kristiyanong Kanluran ng Latinong Europe. Kumulapso ang huli nu’ng ikalimang siglo, at nauwi sa maliliit na sentro. Sinikap itong buuin muli sa paggawa sa Roma bilang sentro ng Kanluran. Nagkagulo nung 11th century nang lupigin ng mga Katolikong Normans ang Grekong timog ng Italy, at ipinuwesto ang Latinong kleriko.

Hinadlangan ‘yon ng Patriarch ng Constantinople. Pinadala ng Pope si Cardinal Humbert para makipag-ayos, pero in-excommunicate nito ang Patriarch. Gumanti ang huli; in-excommunicate ang bisita. Iginiit ng Pope ang pagka-sentro ng Roma. Iginiit ng Patriarch na pare-pareho ang antas ng Roma, Constantinople, Alexandria, Antioch, at Jerusalem. Tinuligsa ng Orthodox ang bersiyon ng Roma ng Kredo na tila minaliit ang Espiritu Santo.

Lumala nu’ng 1204 nang giyerahin ng mga Latinong hukbo ang Constantinople, na noo’y pinakamayamang siyudad ng Kristiyano. Sa panlulupaypay, nasakop ang Constantinople ng mga Muslim na Turko nu’ng 1453, at ginawang Istanbul.

Mula noon nagkanya-kanyang landas ang dalawa. Sumibol sa Kanluran ang konsepto ng Purgatoryo, at ng “penal substitution” na ang Pagpako sa Krus ay kabayaran sa parusa ng Diyos Ama. Sa Silangan nabuo ang intelektuwal at mistikong konsepto na ang Diyos ay hinding-hindi maaarok ng utak ng tao ngunit mapapalapit sa puso ng tao.

Nu’ng 2019 magkahiwalay na tinagpo ni Pope Francis sina Patriarch Bartholomew ng Constantinople at Patriarch Kirill ng Moscow.

* * *

Makinig sa Sapol, pansamantalang nilipat tuwing Biyernes, 10:00 a.m. – 12:00 nn, DWIZ (882-AM).

SAPOL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with