VIP muna? (Unang bahagi)
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2020 - 12:00am

Walang lamangan, walang gulangan. Malinaw. Ito ang pahayag ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles matapos makatanggap ng mga balita na may mga pulitiko at maimpluwensiyang tao na nagpapa-test para sa COVID-19 kahit walang sintomas.

Ang iba, kasama pa ang kanilang pamilya. Sa madaling salita, sumingit sa linya. Imbes na ma-testing na kaagad ang mga may sintomas — para kung positibo ay mahiwalay na, kailangang paunahin itong mga feeling VIP. Putok sa social media ang galit ng netizens sa mga pulitiko na pinapahayag pa ang kanilang test results. Habang ang nakakarami na may mga malinaw na sintomas na, nakapila, naghihintay, nanganganib ang buhay.

Agad dumepensa si Sen. Francis Tolentino na “masakit ang lalamunan at inuubo” raw siya. Banggitin ko na rin si Imelda Marcos ay isa sa mga umanong nagpa-VIP testing. Si Senate President Tito Sotto dalawang beses pa nagpa-testing. ‘Yung unang test ay hindi umano galing sa stock ng DOH, pero ang pangalawa ay galing DOH na. Masakit din daw ang lalamunan.

Ang iba pang nakalistang mga pulitiko na nauna nang magpa COVID test: Sen. Richard Gordon at ang kanyang pamilya, Sen. Pia Cayetano, Sen. Imee Marcos, PNP Chief Gen. Archie Gamboa at ang kanyang asawa, Chief Justice Diosdado Peralta at iba pang miyembro ng Gabinete ni President Duterte.

Tila nakalista na rin ang mga pangalang ito sa mga netizen. Mukhang gusto nang bumoto ng mga galit at ayaw nang maghintay ng 2022.  (Itutuloy)

COVID-19 VIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with