Saan kayo kumukuha ng lakas ng loob at tibay ng sikmura?!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2020 - 12:00am

Panahon na naman ng mga epalitiko. Hindi sila makikita sa lansangan pero ang pagmumukha’t pangalan, nakaimprinta sa mga pinamimigay sa publiko. Sa gitna ng tumitinding krisis, ginagamit ng ilang pulitiko ang sitwasyon para sa sariling kapakanan. Mas matindi ang virus na tumama sa mga ito sa kakapalan ng apog!

Bawat siyudad at munisipyo, kanya-kanya na ng kilos para makaabot ang tulong sa mga tao sa kanilang nasasakupan. Nagpapamigay ng hygiene kit o food packs para makatulong sa mga residente. Take note: buwis ng bayan, pondo ng pamahalaan, pero ang mga lalagyanan, naka­imprenta ang naglalakihan at nagpapangitang mukha ng mga pulitiko. May iba pang report sa amin na ang mga alcohol na pinamimigay, mukha at pangalan ng pulitiko ang balot!

Sunud-sunod na rin ang natatanggap ng BITAG na report sa mga missing in action na barangay officials sa pangu­nguna pa mismo ng Kapitan. Pakalat-kalat ang mga residente sa lugar, may nagtsitsismisan, nagsasabong, nagsusugal at tumatambay pa. E kasi wala ang mga otoridad na inatasang magbantay sa komunidad.

May ilang siyudad sa Metro Manila, mga residente pa ang pinapupunta sa city hall o sa barangay para kunin ang mga food packs na para sa mga tao. Tibay ng sikmura n’yo!

Kung meron kayong nakikitang kaparehong sitwasyon tulad nito, kuhanan ng video o litrato gamit ang inyong mga cell phone. Ipadala sa BITAG sa aming mga Facebook Pages o sa bitagpambansangsumbungan@gmail.com

Kasalukuyan kaming nakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Ba­rangay Affairs Undersecretary Martin Diño. Para bulabugin ang mga natutulog sa pansitan na mga opisyales.

KRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with