^

Nabiktima ang misis (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2020 - 12:00am

ILANG buwan ang nakalipas, nakakita ng litrato ni Alan sa tindahan ng peryodiko si Lian. Namukhaan niya ang lalaki at base sa balita sa diyaryo, kinilala bilang serial rapist ng isang kapwa babaeng naging biktima rin ng rape. Bitbit ang diyaryo ay pumunta si Lian sa NBI. Pinapunta naman si Lian sa isang presinto kung saan dinala naman siya sa isang selda at nakita si Alan na nakapiit doon. Kinilala niya si Alan bilang kanyang rapist at nagbigay siya ng salaysay sa piskalya. Kinasuhan si Alan sa panibagong kaso ng rape.

Ginawang testigo ng prosekusyon si Lian na isinalaysay ang masaklap na nangyari sa kanya. Tumestigo rin ang medico-legal na opisyal ng NBI at ipinaliwanag na hindi na makakakita ng pagkapunit sa hymen ng isang babaeng nagsilang na ng anak kahit pa pinagsamantalahan siya. Ipinaliwanag din ng doktor na hindi na sila nakakita ng bakas ng semilya sa ari ng biktima dahil apat na araw na ang dumaan bago siya nasuri ng doktor.    

Todo tanggi si Alan sa akusasyon. Ayon sa lalaki, kusang ibinigay ni Lian ang sarili at ang babae pa raw diumano ang umakit at tumawag sa kanya.

Matapos timbangin ang ebidensiya ng magkabilang panig, hinatulan ng korte si Alan. Napatunayan na kapani-paniwalang testigo si Lian. Kumpara kay Alan na puro hindi magkakatugma ang sinasabi.

Umapela si Alan sa Supreme Court. Ayon sa SC, tumes­tigo si Lian sa paraang diretso, kapani-paniwala at walang pag-aalinlangan. Hindi natinag ang biktima sa kabila ng tindi ng ginawang cross-examination sa korte. May bahid din ng katotohanan ang testimonya ni Lian. Kahit bali-baliktarin ay pareho pa rin ang kanyang testimonya sa korte.

Ayon sa SC, kadalasan na diretso at hindi mababali ang testimonya ng biktima ay dapat na bigyan ito ng halaga at importansiya. Kahit sabihin pa na kakaiba ang ikinikilos ni Lian bago, habang at pagkatapos ng krimen ay hindi naman nito naapektuhan ang kanyang kredibilidad bilang testigo. Wala tayong pamantayan kung paano ang dapat na ikilos ng isang tao lalo at nakakatakot ang kanyang sinapit, may ibang sumisigaw, may hinihimatay at ang iba ay nawawala sa katinuan.

Sa kaso ni Lian, hindi naman siya bumigay ng basta sa gusto ng lalaki. Ang kilos niya na napahagulgol nang makauwi sa bahay at makapagsumbong sa mister at ang kagustuhan niya na sumailalim sa interogasyon pati ang tibay ng loob na ippinakita niya nang sumailalim sa pagsusuri ng medico-legal ay tahimik na ebidensiya ng katotohanan ng kanyang sinasabi.

Sa kabilang banda, hindi kapani-paniwala ang depensa ni Alan na magsiyota sila ni Lian dahil wala siyang kahit anong ebidensiya tulad ng mga sulat, litrato, munting mga bagay na magagamit na ebidensiya ng kanilang relasyon. Kaya walang pag-aalinlangan na ginawa ni Alan ang krimen ng rape at dapat lang siyang parusahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo pati magbayad ng danyos sa biktima (People vs. Rapisora, G.R. 147855, May 28, 2004).

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with