^

PSN Opinyon

Sangkot sa MRT-3 scam sentensiyado

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Naabsuwelto sila noong Oktubre sa tangkang pagkikil ng $30 milyon sa chairman ng Inekon, kompanyang Czech na gumagawa ng tren. Pero noong Pebrero sinintensiyahan ng Sandiganbayan sa korapsiyon ang dating general manager ng MRT-3 at tiyo ng misis niya.

Napatunayang nagkasala si Atty. Al S. Vitangcol III sa pagkontrata sa PH Trams bilang MRT-3 maintenance nu’ng 2012-2013. Isa sa anim na incorporators ng kompanya ang tiyuhin niyang si Arturo Soriano. Nilabag nila ang Anti Graft and Corrupt Practices Act at Procurement Reform Act, pasya ng mga mahistrado.

Dalawang buwan pa lang ang PH Trams at P625,000 lang ang puhunan nang biyayaan ito ni Vitangcol ng $1.15 milyon (P52.5 milyon) kada buwan. Sa 10 buwan, P525 mil­yon ang hinamig ng kompanya. Wala itong karanasan sa railways. Inagaw lang nito ang technicians, makina, at imbak na spare parts ng naunang maintenance contractor­, Sumitomo ng Japan. Nauna ru’n biglang pinalayas ng Dept. of Transport ang Sumitomo nang walang malinaw na rason, matapos ang 12 taong serbisyo bilang tagagawa at maintenance ng MRT-3.

Gulo ang sumunod. Nagkabuluk-bulok ang commuter railway ng Metro Manila. Tatlong beses kada araw, tumitirik ang mga tren dahil sa sirang makina, lumang signaling, at durog na riles. Nagkasunog sa loob ng bagon, nagpepreno nang biglaan, at minsan ay nadiskaril ang tren at binangga ang railings sa end-station. Dose-dose­nang beses napilitan bumaba ang mga pasahero sa gitna ng riles, peligroso dahil may mga high-voltage cables sa ulunan nila. Nalugi ang MRT-3 sa malimit na pagsara at soli-pasahe. ‘Yan ang epekto ng korapsyon sa mama­mayan.

Sa kolum na ito unang nabunyag ang anomalya. Mag­pasalamat tayo sa maraming sources na nagbigay ng impor­masyon. Mabuhay kayo!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

MRT-3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with